GAYA NG USAPAN NAMIN, dumating si Anton bago mananghalian. Nagsasalansan kami noon ni Inang ng mga kahoy na sinibak ni Tatang. Sa gawing tarangkahan, nagtatali si Tatang ng mga yero, dingding na sawali, at kung anu-ano pang dadalhin namin paglipat sa bagong bayan. Ipinagpaalam ako ni Anton kay Tatang, tutulong kami sa pagbabakod ng sinehan ni Mr. Rimo. Baka sakali laang naman na payagan ako, kahit alam kong malabo. Galit kasi si Tatang kay Mr. Rimo.
Dati sa bukid namin nagpapasine pero dahil inonse raw kami ni Mr. Rimo, ayaw na ni Tatang.
“Babalian ko ng tadyang yung tarantadong ahenteng yun,” sabi ni Tatang kay Inang nung minsang nag-uusap sila tungkol kay Mr. Rimo.
“Pelimon, wag masyadong mainit ang ulo, alang kauuwian yan. Alam ng Diyos ang lahat,” sabi ni Inang.
Galit pa rin pero tumahimik na si Tatang, di ko alam kung dahil sa Diyos o dahil nakita nyang nakikinig ako. Basta talagang sayang, huling pasine pa naman yon at magaganda ang palabas. Si Tatang kasi pabigla-bigla, lagi pang mainit ang ulo.
“Sige, sasabihin ko sa kanya,” sagot ni Tatang kay Anton. Para talagang kulog ang boses nya. Naramdaman ko na agad na hindi nya ko papayagan. Lalo na at galit pa sya sa akin kasi pinahiya ko raw sya kay ninong Iton. Magpapatuli na sana ako nung isang linggo. Ansaya ni Tatang, ngumangata na ko ng talbos ng bayabas at hawak na nya ako sa balikat. Pero nung ipatong ni ninong sa banukan[1] yung utin ko, aywan, bigla ko na laang siniko si Tatang saka ako kumaripas pauwi. Kinagabihan, halos magdamag nagtalo si Tatang at si Inang.
“Bayaan mo na bata pa naman, gridtri pa laang sya,” sabi ni Inang.
“Sinong bata? Bulbulan na yang hinayupak na yan! Isa pa, ala syang maliliguan sa putang inang bundok na lilipatan natin. Alang ilog dun, saan sya dadayb pagkatuli nya?”
Nagtutulug-tulugan ako nun. Sinadya kong sumigok-sigok nang malalim para maawa si Tatang at huwag na nya akong kagalitan. Antagal nilang nag-usap, pati nangyari kay Ating naungkat nila. Mag-iisang taon nang di umuuwi si Ating. Doon yata nagsimula ang init ng ulo ni Tatang. Buntis daw si Ating kaya natatakot umuwi. Tapos si Kuyang, ala na kaming balita. Ayun, kaya pa pala galit si Tatang kay Mr. Rimo. Nung isang bakasyon, si Mr. Rimo daw ang nagsabi sa mga sundalo na nasa Baler si Kuyang, kasama ng mga taong-labas. Di ko alam kung tutuo, basta si Kuyang ala talaga sa amin nun dahil di na muna pinauwi ni Tatang. Kaso antagal nang ala kaming balita sa kanya. Pero mainam naman daw yon sabi ni Tatang, andami kasing sundalong umaaligid sa amin.
Ang problema, sa akin nabubunton lahat ng galit nya. Bahagya syang may hindi magustuhang ginawa ko, magpapanting agad ang tainga nya. Minsan nga kahit ala akong ginagawa galit sya. Gaya nung minsan, bigla na laang nya kong sininghalan.
“Putris ka, kundi dahil sa kaduwarkugan[2] mo, tuli ka na sana ngayon, ala ka na sanang problema!” Parang gusto na kong isakmol ng mata nya sa pagmulagat[3] sa akin.
Hindi ko alam pero bigla ko na laang nasabi na gusto ko nang magpatuli.
“Kanta naman kayo,” sabi ni Sards. Kumanta naman kami ni Anton. Nang marinig kami ni Tatang, pinaswitan[7] agad nya ko. Paghakbang ko pa laang sa tarangkahan, nangalpak agad ang hita ko. Kung pwede nga laang tagain ang Tatang.
Kinapa ko ulit ang puwit ko. Naisip ko di bale na, mabiringki na kung mabiringki, basta tutulong ako kay Anton. Bahala na.
Nagtulug-tulugan ako pagkakain. Mayamaya nagpaalam si Tatang kay Inang, pupunta raw kila ninong Iton. Sinilip ko sya sa butas ng sawali habang palayo. Nung di ko na sya makita, kumaripas na ko papunta kay Anton, di ko na naintindihan kung ano ang sinabi ni Inang.
“Si Tatang kasi –” hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Itinuro sa akin ni Mr. Rimo yung balumbon ng tarapal na sako. Iminustra nyang buksan ko saka ilatag. Nakaupo sya sa tablang nakapatong sa pilapil, may hawak na bolpen at notbuk.
Nagpapasine si Mr. Rimo sa Pantabangan tuwing tag-araw. Nung isang taon, sa bukid namin sya nagpalabas. Libre kaming lahat, si Ating, si Kuyang, si Inang at si Tatang, lahat pati si Impo at si Ingkong. Iba pa yung mga inilibre ni Tatang at ni Inang. Sobrang saya nun, lahat ng palabas napanuod ko, yung Benhar, Toratora, Dalonggesdey, Dirtidasen, ang gaganda talaga. Tapos yung pinakamatagal na pinalabas, limang gabi ata, yung Ginuhit sa Tadhana, tungkol yun kay Marcos. Andami nyang napatay na Hapon, ang galing sa barilan. Pero sabi ni Tatang, di raw tutuo yun, kabulaanan daw yun. Ang mga pinapatay daw ni Marcos yung mga alang laban, yung mga mahihirap. Si Tatang talaga, pati sine pinapatulan.
Nag-ubu-ubuhan si Anton. Nang tumingin ako sa kanya, nginuso nya yung posteng sinisiksik nya ang pagkakabaon. Humablot sya ng talahib at tinali sa poste. Tumango ako habang hinahatak yung tarapal. Pagkatapos naming makubkob ang pagpapasinehan, mga anim na pinitak yata yun, l umapit kami kay Mr. Rimo.
“Balik kayo mamaya, mga alas-sais ha,” sabi nya. Kami rin daw ang magbabantay sa paligid ng bakod habang nagpapalabas. Ayos laang yun, makakapanuod pa rin naman kami. Umupo muna kami ni Anton sa silong ng duhat sa kabilang gilid ng tarapal, nag-usap kami tungkol sa plano namin. Kung sisenta ang talagang bayad sa nagtitiket, kalahati o kahit baintesingko na laang ang sisingilin namin sa mga susuot . Binilang ko ang pasusuutin namin, di bababa sa sampu. Ayos na. Kung sampu, uno singkwenta sa kanya, piso sa akin.
Mayamaya, dumukot si Anton at inabutan ako ng tatlong tigdi-dyes. “Uryam-uryam[8] muna tayo matagal pang mag-umpisa,” sabi nya.
NASA PLASA RIN SI MR. RIMO, tumataya sa uryam-uryam. Kakaunti pa laang ang mga pasugal , unang araw pa laang kasi. Pumwesto kami sa gilid ng nagkakagalog ng dais. Sakop na sakop ng palad nya yung platito na may saklob na takip ng garapon. Paghinto nya sa pagkalog, tumaya si Anton sa tres, singkuwenta; si Mr. Rimo sa sais, isang tumpok na barya. Sa sais din ako tumaya, dyes.
Dahan-dahan binuksan nung tagakalog yung platito – isang uno, dalawang sais. Kamot sya ng ulo, napa-asus naman si Anton. Natriple ang tumpok ng barya ni Mr. Rimo, ako nanalo ng bainte. Napangiti ako pero di ko pinakita kay Anton baka sabihin nya na masaya ako dahil natalo sya.
Mayamaya, bigla na laang kumulo ang dugo ko; dumating sila Biryong Laklak. Dating kababag ni Tatang yun, minsan muntik na nyang tagain yun. Biruin mo, nung dumating si Datu Macli-ing, nakiusap si Tatang na alang iinom. Antigas ng ulo ni Biryong Laklak, dun pa mismo sa plasa uminom. Buti na laang naitaboy nila Tatang.
“Dito ka laang ha,” sabi sa akin ni Tatang pagkababa nya sa akin. Tapos kinalabit nya si ninong Iton. Bilib ako sa kanya nun, binaliti niya yung kamay ni Biryong saka kinumpiska yung balisong.
“LIHIS, LIHIS, yung mga barya dyan tumabi-tabi,” pagaralgal na kanta ni Biryong. Gumitgit sya at yung tatlo nyang kasama, nadikdik ako sa halos likuran na ng tagakalog. Putang ina nyo, sabi ko sa isip ko. Tiningnan ko si Mr. Rimo, napasimangot din.
Lumakas na ang tayaan, isang taya ni Biryong mga lukot na perang papel at mga piso. Andami na nilang nakakabig. Ako rin mabigat na ang bulsa, pati si Anton, lagi nang nakangiti, kindat nang kindat sa akin. Nabangkrap yata yung tagakalog kaya pumalit si Mr. Rimo, magkakilala pala sila.
Nung huling tayaan, pagkatapos nyang kalugin, di napansin ni Mr. Rimo na nakaangat nang bahagya yung takip ng garapon, pero hawak pa rin nya. Sinilip ko, triple tres. Anlakas ng kabog ng dibdib ko. Tumingin ako kay Anton, tumingin din ako kay Biryong Laklak, nakatingin din sila sa akin.
“Taya na, itodo nyo na, huling kalog na to,” sigaw ni Mr. Rimo. Sinasalansan nung pinalitan nyang tagakalog yung mga barya sa harapan nila. Inilapat ni Mr. Rimo yung takip ng garapon sa platito saka biglang tinaas ang dalawang kamay sabay palakpak.
“O wala bang tataya? Huli na to, magsisimula na ang palabas.” Tinatapik nya yung lamesa habang nag-iintay ng tataya. Palakas nang palakas yung tugtog mula sa dyip na umiikot sa buong bayan para ianawns ang palabas.
Nakatingin sa akin si Anton, nakatingin din si Biryong, nakatingin sa akin lahat ng mananaya. Dinukot ko lahat ng laman ng bulsa ko, halos umapaw sa palad ko ang mga barya. Tinumpok ko lahat sa tres. Sumunod si Anton, dahan-dahang tinayo ang mga piso at ingkwenta katabi ng tumpok ng taya ko. Yung mga tigdidyes at tigsisingko, inayos nya sa paligid, tapos kumuha sya ng baintesingko, sinuksok sa tainga nya. Kinindatan uli nya ko.
Nagtayaan na rin yung iba, lahat sa tres, hanggang natakpan na ng pera yung buong kudrado ng tres, yung ibang taya lumampas na sa guhit. Inilapag ni Biryong sa kwatro yung taya nya, kalahating dangkal yata ng perang papel, singkwenta pesos ang nasa ibabaw. Ngingisi-ngisi si Biryong habang nagkakamot ng tyan, sinasadya atang ipakita yung nakasukbit nyang balisong.
“Okey sa tres lahat. O, wala na ba?” tanong ni Mr. Rimo. Dahan-dahan nyang pinatong yung mga daliri nya sa takip ng garapon, bahagyang inangat. Pigil ang hininga ko, kinwenta ko yung taya ko, taymstri, andami kong pera, plas pa yung kikitain namin mamaya. Unti-unting binatak ni Mr. Rimo yung takip, di ko makita ang dais, natatakpan ng kamay nya. Pigil-hininga ako. Tapos bigla nyang inangat.
“Kailangang makabawi tayo,” pahabol nya bago sya pumunta sa kabilang bakod.
Ganda ng langit, alang kaulap-ulap, andaming bitwin. Ang haba ng salita ni meyor, puro magagandang bagay tungkol sa dam, may libre daw kaming kuryente, libreng tubig, tapos babayaran daw yung mga bukid, mga puno, yung mga bahay, lahat.
na ata napanuod. Pero yung Benhar, kahit mayamaya, di ako magsasawa. Ganda kasi, lalo na sa parteng nagkakarera ng karwahe, yung gulong ng isa madaya, parang may lagare.
May mainit na basang tumalsik sa pisngi ko. Pumalakat yung asawa ni Mr. Rimo.
Gusto kong sumagot pero di ako makakibo, gusto kong umiyak pero baka sabihin niya kalalaki kong tao umiiyak ako. Pinigil ko na laang.
[1] banukan (mabilis) – korteng “L” na sangang ginagamit na katangan o sangkalan ng tutuliing utin. Itinutusok sa lupa ang isang dulo at isinusuot naman ang kabila sa lambi (balat ng utin) na bibiyakin. Karaniwang gawa sa sanga ng bayabas ang banukan.
[2] kaduwarkugan (mabilis) – kaduwagan o pagkamatatakutin.
[3] pagmulagat (malumay) – pagtitig na nanlalaki ang mga mata.
[4] mabibiringki – mapapalo o makakatikim ng pisikal na pamamarusa o pananakit.
[5] binalangga – pinasan nang nakasaklang sa mga balikat ang magkabilang hita.
[6] inasbaran – pinalo, hinagupit.
[9] Humiriki -- tumagilid
[10] de-tuwad – ilaw na gawa sa boteng nilagyan ng gaas at mitsa. Itinutuwad ito para lumakas ang apoy.