Minsan may isang dakilang Titser na preparadong-preparado ang mga lesson at handang-handang pumalaot sa online teaching. Armadong-armado sa pagharap sa pananalakay
ng pandemya at pananalanta ng bagyo.
Isang araw, napansin niyang paunti nang paunti ang mga mukhang nakamaang sa kanyang
mga lektyur. At ang mga natitira, sinisinok na ang koneksyon kay Lord Google. Agad na
na-trigger ang compassion ng dakilang Titser.
Nagdeklara siya ng ekstensyon ng semestre, para may panahong makapagpasa ng asignatura
ang mga estudyante. Nagtakda siya ng recovery period para makahabol sa pagbabasa ang mga estudyante.
Sabi niya: May tiwala ako sa inyo, kaya n’yo yan! At sagana kayo sa options.
Nariyan ang INCOMPLETE o kaya DEFERRED. Tutal extended ang semestre at andami ko nang ginawang adjustment sa mga requirement ng klase.
Konsern ako sa inyong pagkatuto. Kaya hinding-hindi natin pa-iiskorin sa klase ang panawagang “Mass Promotion”. Ang “Pass All” ay prime example ng creative laziness.
Amen.