Pagbuklat sa banlik ng paglimot: Panayam


Panayam ito ng manunulat sa kanyang sarili, hindi minsan kundi paulit-ulit.  Panimulang sisid ito sa mga bakit kaugnay ng balak niyang sulating disertasyon.  Hindi pa tiyak kung saang bahagi ito ng disertasyon ilalagay, ang mahalaga, kinikipil na rito ang pananaw at paninindigan ng manunulat ukol sa kanyang panulat.  Gaya ng mababasa rito, hindi pa pirmis kung ano talaga ang genre na kanyang sinusulat, puwedeng nobela, puwedeng epiko, puwedeng kalipunan ng mga tula. “Ewan”, sabi niya tungkol sa bagay na ito.


I.
EMMANUEL V. DUMLAO:            Anong pinagkakaabalahan mo  ngayon?
emmanuel v. dumlao:                    Dati pa rin, ‘yong sinusulat ko.
EVD:      Anong genre?
evd:       Di ko alam, ewan.  Kahit  ano. Basta tungkol sa Pantabangan, tungkol sa dam. Sabi ko kay Jun Cruz tulang nobela na parang epiko.
EVD:      Jun Cruz?
evd:       Pedro Jun Cruz Reyes, prof  ko.
EVD:      ‘Yong sumulat ng “Utos ng Hari”?
evd:       Ng  Etsa-puwera at Amado, at kung anu-ano pa.
EVD:      Oo, kilala ko, astig ‘yon. Teka, sabi mo tungkol sa dam?
evd:       Marami akong gustong sabihin tungkol sa pagpapalubog sa bayan namin?
EVD:      Bakit?
evd:       Marami nang nag-uulyanin, kailangan ng paalala.  May mga lumalabo na rin ang paningin, kailangan ng pananda, ng babala.
EVD:      Parang kalendaryong binilugan ang mga importanteng petsa?  Parang road signs?
evd:       Kalendaryo ...  Puwede, pero hindi tungkol sa petsa ‘yong sinusulat ko. 
EVD:      Ano pala?
evd:       Paalala na maraming karanasan na kapag di sinisid, habambuhay na lamang na matatabunan ng banlik, ng putik.
EVD:      Gaya ng?
evd:       May mga tumutol sa pagpapalubog ng Pantabangan.
EVD:      (Tumango)
evd:       Tungkol sa sinabi mong road signs, parang ganon din pero hindi. 
EVD:      Anong ibig mong sabihin?
evd:       Hindi ito magtuturo ng tamang daan o magbabawal sa mambabasa na kumaliwa o kumanan  o dumiretso o bumalik o tumigil.
EVD:      Ano pala ‘yong binanggit mong pananda, ‘yong babala.
evd:       Kapag  may karanasan na katulad nitong sinusulat ko, baka makapagbigay ito ng pananda o babala para sa isang matalinong pagpapasya.
EVD:      Baka? Hindi ka tiyak?
evd:       Hindi ko hawak ang utak at desisyon ng mambabasa ko.
EVD:      Kung gusto mong magpaalala tungkol sa mga karanasang pinangangambahan mong makalimutan, historikal kung ganon ang sinusulat mo?
evd:       Anong ibig mong sabihin?
EVD:      Mga akdang naglalarawan ng mga tunay na nangyari sa kasaysayan.
evd:       May isinulat ako tungkol sa pagtatalik ng patak ng luha at butil ng alikabok na siyang sinibulan ng mga bukid at sanga-sangang ilog ng Pantabangan.  Wala pa ang pinakaunang tao sa daigdig noon, paano mo malalaman kung tunay o hindi ang aking sinulat?
EVD:      Fiction kung ganon? Pero sabi mo tungkol sa dam, tungkol sa mga karanasang  kailangang sisirin.
evd:       Isinusulat ko ngayon ang pag-uusap nating ito. Paano mapapatunayan ng babasa nito na tunay ang usapan natin?
EVD:      Paano ‘yong sinasabi mong karanasan?
evd:       Karanasang hinabi ko sa aking isip, batay sa mga stimulus na nahagip ng aking senses at nanatili sa  aking memorya.
EVD:      Hindi pala mapagkakatiwalaang paalala at babala ang sinusulat mo.
evd:       At  alin ang mapagtitiwalaan?  Libro sa kasaysayan?  Hindi ba likhang-isip din ng mga  historyador ang kanilang mga isinasalaysay?
EVD:      Ibig mong sabihin, walang pagkakaiba ang kasaysayan at kung ano man ‘yang literary genre na sinusulat mo? 
evd:       Nasaksihan man o hindi ng manunulat ang isang pangyayari,  kapag isinulat niya ito, dumadaan ito sa kanyang imahinasyon.
EVD:      At kung ganon ay fiction? Hindi mapagkakatiwalaan, kung ganon, ang mga libro sa kasaysayan?
evd:       Hindi rekonstruksyon ng aktuwal na pangyayari ang concern ko sa sinusulat ko.
EVD:      Kaninong karanasan ang gusto mong sisirin?
evd:       Lumilikha ako ng mga tauhan na may sariling buhay at karanasan.  Maaring tumugma ang paglalarawan ko sa aktuwal na karanasan pero  nakatanim sa kukote ko na kathang-isip ang ginagawa ko. Isang mundong inspirado ng mundo ng kamusmusan ko at ng mundo ko ngayon.
EVD:      Kaninong karanasan ang gusto mong sisirin?
evd:       Karanasan ko. ‘Yong karanasan mo, ikaw ang sisisid,  ‘yong sa mga kababayan natin, sila.  Sana makainspayr ako ng pagsisid.
EVD:      Kanya-kanyang sisid? Akala ko ikaw, sa pamamagitan ng akda mo, ang sisid sa mga karanasan.
evd:       Paalala at palatandaan o babala lamang ang kaya kong gawin sa aking akda, ang kayang gawin ng aking akda.  Kung mayron man akong kayang sisirin, ‘yong mga sarili kong karanasan.  At sinisisid ko na sila ngayon,  humihinga na sila ngayon sa aking sinusulat. 
EVD:      Humihinga bilang paalala o palatandaan sa iba?
evd:       Baka sakaling sa pamamagitan ng akdang ito makita mo halimbawa ang mga bagay na di mo dating binibigyang-pansin, baka sakaling may maalala kang karanasang nakalimutan mo na, baka sakaling mapatigil ka at maglimi kung didiretso ka, kakanan, kakaliwa, o mananatili.
EVD:      Baka sakali.
evd:       ‘Yon lamang ang kaya kong tiyakin,  ang pagbabakasakaling makapagpaalala, makapagbigay-tanda o babala.
EVD:      Sabi mo nagsusulat ka para makapambuliglig.
evd::      Teka, saan? Kailan?
EVD:      Sa MA thesis mo.
evd:       Hahaha! Kaya nga dapat magsulat para walang nakakalimot.
EVD:      Ganoon pa rin ang paniwala mo?  Nambubuliglig ka pa rin sa iyong mga sinusulat?
evd:       May iba pa bang tungkulin ang panitikan?  Nagpapaalala, nagbibigay-palatandaan o babala – lahat ng ito ay porma ng pambubuliglig.
EVD:      Paano ka makakapambubuliglig kung nakapokus lamang sa Pantabangan ang sinusulat mo? Napakalawak ng Pilipinas at napakaraming mga pangyayaring di hamak na mas malaki at importante kaysa sa sinapit ng isang liblib na  bayang tulad ng Pantabangan.
evd:       At idagdag mo pa, karanasan lamang ng isang siyam na taong bata sa loob ng isang buwan ang isinusulat ko.
EVD:      Napaka-insignificant.
evd:       Ni hindi ko inakalang tatanim sa puso ko ang “Macondo” ni Marquez; na hangga ngayon naririnig ko pa ang boses ng mga patay sa Spoon River ni Masters;  na hangga ngayon naaaninag ko pa ang lampara ng  tagabantay sa parola sa Poro Point ni Hufana.  
EVD:      Pero ang mga binanggit mo ay nagtataglay ng mga unibersal na pagpapahalaga, mga insight na komon sa lahat ng tao.
evd:       Hinuhubog ng kanyang-kanyang pook at panahon ang bawat bagay, ang bawat pagpapahalaga.  Walang unibersal sa pakahulugang  “karanasan ng isa, karanasan ng lahat”.  Kasama na rito ang pinagkakatiwalaan mong libro ng kasaysayan.
                Ang meron ay ugnayan ng lahat ng bagay.
EVD:      May kaugnayan ka sa mga kathang isip na tauhan at lugar na binanggit mo?
evd:       Pinapaalala nilang kailangan kong sisirin ang aking nakaraan.  Binibigyan nila ako ng babala na kailangan kong bumalik,  ng palatandaan kung ano ang kailangan kong balikan.  Una rito ang pagbabalik sa sariling karanasan at pagtatala ng mga ito.
                Heto pa. Ni hindi ko alam kung anong klaseng isda ang Berkakan o kung nasaan talaga ang islang Tarangban, pero nagpapaalala ito sa akin ng sarili kong mga berkakan at tarangban.  Palatandaan ito at babala ng maraming posibilidad sa buhay ko.
EVD:      Kumpisal  kung ganon ang sinusulat mo?
evd:       Sige, hihiramin ko ang termino mo, pangungumpisal. Pero hindi sa isang pari kundi sa sarili, oo, higit sa lahat sa sarili. At syempre sa mga mambabasa, sa sambayanan.
EVD:      Hindi ko maintindihan.
evd:       Hindi mo dapat intindihin, damhin mo ang nangyayari sa atin ngayon.
EVD:      Anong nangyayari?
evd:       Kinakausap mo ako na sarili mo habang itinatala naman ng isa pang sarili natin ang ating pinag-uusapan.  Inuusisa, inuusig natin ang isa’t isa. Ikaw na si EMMANUEL VILLAJUAN DUMLAO ay ako na si emmanuel villajuan dumlao at tayong dalawa ay nasa taong kasalukuyang tumitipa sa tiklado ng laptop na kasangkapan sa pagtatala ng usapang ito.
EVD:      Ibig sabihin, umiiral lamang tayo ngayon sa imahinasyon ng sarili nating kumakatha at nagtatala ng panayam na ito?
evd:       Sino ngayon ang magsasabi kung alin ang tunay at hindi?  Buhay tayo.  Sa oras na may ibang magbasa ng usapan nating ito, matutulungan natin siya sa paggunita ng sarili niyang pangungumpisal sa  kanyang sarili. Tunay man o hindi ang engkuwentro, ang  mahalaga buhay tayo at patuloy na mabubuhay.  Ganito kahalaga ang panulat, ang kuwento.
EVD:      Nakuha ko ang punto mo tungkol sa paalala upang di makalimot. 
evd:       May itatanong ako sa iyo?
EVD:      (Nakatingin kay evd, naghihintay ng tanong)
evd:       Paano nagunaw ang daigidig na kilala mo?
EVD:      (Matagal na nag-isip) Baha, bumaha.
evd:       Paano nakaligtas ang mga tao?
EVD:      Gumawa ng  arko si Noah, isinakay niya doon ang kanyang angkan pati ang mga hayup.
evd:       Paano mo nalaman ‘yan?  Bakit natatandaan mo ang nangyari  libo-libong taon na ang nakaraan?
EVD:      Noong maliit pa ako, kinukuwento yan sa akin ng Impo.  At nang matuto akong bumasa, binabalik-balikan ko sa Lumang Tipan.
evd:       Noong nakaraang katapusan ng Pebrero 2009,  nasa Guimba, Nueva Ecija ako.  Nagsalita ako tungkol sa pagtula.  Tinanong ko sa mga umatend doon ang tinanong ko sa iyo.  Pare-pareho ang  mga sagot nyo.  Tapos, nagtanong ulit ako: “May natatandaan ba kayong nangyaring baha sa ating probinsya mahigit 30 taon na ang nakakaraan?  Ginunaw ng bahang ito ang mga ilog at bukid at pangarap ng libo-libong pamilya.”
EVD:      Anong sagot nila?
evd:       Wala ni isa ang nakasagot.  Alam mo kung bakit?
EVD:      Dahil walang nagkuwento, walang nakasulat?  O kung mayroon man ay wala nang nakakaalala, walang nagbabasa? O iba ang kuwento?
evd:       Ngayon, lumabas ka muna sa sinasabi mong “insignificant” kong karanasan.  Ano ang nakikita mo sa mga komunidad sa Pilipinas?
EVD:      Mahirap.  Nawawala na ang mga bukid, nasisira ang kalikasan.  Parami ang subdivision, mall, golf courses. Nagwawatak-watak ang mga pamilya, maraming nag-aabroad, maraming lumilikas dahil sa gera.
evd:       Sabihin mo ngayon na walang saysay ang pagsulat tungkol sa paglikas ng libo-libong pamilya para bigyang daan ang pagtatayo ng dam.
EVD:      Nakikita ko ang punto ng sinabi mong ugnayan ng lahat ng bagay.
evd:       May napapansin ka ba sa takbo ng ating usapan?
EVD:      (Nagtataka, nag-iisip)
evd:       Ako na ngayon ang nagtatanong.  Ganito rin ang aking sinusulat.  Sa una, babasahin, uusisain pero sa proseso, wala mang mga pangungusap na direktang nagtatanong, uusisain na rin nito ang bumabasa.  Sabi ko, buhay tayo at kung ganon ang akdang sinusulat  ko at ang mga tauhang nililikha ko ay buhay at may kakayahang mag-usisa at magtanong.
EVD:      Balikan natin ang sinasabi mong pangungumpisal.  Kung wala kang layunin na irekonstrak ang realidad sa sinusulat mo, ano ang ikukumpisal mo?
evd:       Mga personal na karanasan at interpretasyon ko ng nangyayari sa paligid.  Walang may kakayahang irekonstrak ang nakaraan.  Sabi ni Milan Kundera, explorasyon ng samutsaring posibilidad ng pag-iral ng tao sa daigdig.
EVD:      Posibilidad?
evd:       Dahil hindi naman tunay na buhay ang katha, mga posibilidad lamang ang ipinapakita nito.
EVD:      Pero sabi mo pangungumpisal. Kung ganon, paglalahad ng mga pangyayaring naranasan mismo ng manunulat.
evd:       Sa sinusulat ko, lahat ng karanasan ng tauhan, lahat ng mga pangyayari ay dumaan sa aking sensibilidad, sa aking kamalayan.  At ang aking sensibilidad  at kamalayan  ay hinubog ng sarili kong panahon at ng kung saan ako nakatindig.  Kung ganon, nakasanib sa aking sinusulat ang mga personal kong karanasan, pananaw sa buhay, at kung ano-ano pa.
                Narito, halimbawa, ang aking galak at galit, ang poot at pait na naranasan ko sa paglubog ng Pantabangan.  Pero tulad ng sinabi ko, hindi ito pangungumpisal na humihingi ng absolusyon.
EVD:      Ano pala?
evd:       Pag-usig sa lipunan. Pag-usisa kung bakit may nagugutom, kung bakit may mga batang nawawalan ng pagkakataong makapaglaro, kung bakit may bayang ililikas palayo sa kalikasang salalayan ng kanilang buhay.
EVD:      Kasama ‘yan sa sinusulat mo?
evd:       Siyam na taon si Kujak noong palubugin ang bayan nila.  Inilipat sila sa tuktok ng tuyot na bundok.  Nalibing sa dam ang kanilang mga bukid at ilog.
EVD:      Naalala ko noong naghuhuli tayo ng mga tutubi at tipaklong, noong nag-aaral tayong lumangoy sa ilog-Bundang.
evd:       Hindi rekonstruksyon ng nakalipas pero nagpapaalala, nagbibigay ng palatandaan ng nakaraan.  Anti-tesis ng paglimot, ng pag-uulyanin.  Kilala natin si Noah, kilala natin ang posibilidad ng kaligtasan mula sa baha sa pamamagitan ng arko.
EVD:      Dahil may nagtala?
evd:       Dahil may nagtala, dahil may nangumpisal. Sa simula’t simula, alam na ng ating mga ninuno ang halaga nito sa kanilang pag-iral.
                Halimbawa, binalaan ni Agyu ang kanyang mga kalaban na  kapag nalipol silang lahat ay wala nang magkukuwento ng kadakilaan ng kanilang lahi.  Ganito kahalaga, maging sa ating mga ninuno, ang pagtatala, ang pagkukuwento, ang pangungumpisal. 
EVD:      Maganda ‘yong sinasabi mo na pangungumpisal pero hindi para humingi ng kapatawaran. 
evd:       Pakikipag-usap sa sarili, sa lipunan. Hindi sa kapatawarang igagawad ng pari nagtatapos, hindi sa bilang ng Aba Ginoong Maria at Ama Namin na dadasalin ng nagkasala.  Hindi kapanatagan ng loob ang layunin ng aking pangungumpisal. Pambubuliglig, gusto kong mambuliglig.
EVD:      Paano mo ba tatapusin ang sinusulat mo?  Ano ang mangyayari kay Kujak sa wakas?
evd:       Pag-usapan muna natin ang problema niya.  Ayaw niyang magpatuli pero pipilitin siya ng kanyang Tatang.
EVD:      Kaya sa wakas ay magpapatuli siya?
evd:       Hindi pero matutuli siya.
EVD:      Ang gulo.
evd:       Ano kayang magandang pamagat, a, oo, TULI NA SI  KUJAK.
EVD:      Pero sabi mo di siya nagpatuli.
evd:       Kahit ano, basta.  Hindi pagbiyak lamang sa lambi ng utin ang pagtutuli.  Ang mas mahalagang gusto kong sabihin, hindi nagtatapos ang kuwento ng sinusulat ko sa wakas nito.
EVD:      Lalo nang gumulo.
evd:       Wala  itong tiyak na wakas dahil sa kamalayan ng mambabasa ang pook ng tunggalian nito, natural kung ganon na doon din ito magwawakas kung magwawakas nga.  Kailan ba nagwawakas ang kamalayan? At kung ganoon, kailan  nagwawakas ang kuwento?
EVD:      Hindi tumitigil ang kamalayan sa pagtatanong at pagsagot ng mga tanong. Hindi ito nakakulong sa utak ng indibidwal na tao.
evd:       Dinamikong puwersa ng gunita ang akda. Itong sinusulat ko ay hindi isang tapos nang tala ng nakalipas kundi isang tinig na nagtatangkang  bumihag sa temperamento ng inilalarawan kong daigdig. 
EVD:      Pantabangan?
evd:       Pantabangan, 1974, noong palubugin ang bayan natin. Pero lampas pa doon ang posibilidad ng pag-iral na gusto kong ipakita.
EVD:      Kung naghahapag ka ng posibilidad, sinasabi mo bang may pag-asa pa ang buhay?
evd:       Gusto kong maghapag ng hamon at pag-asa.Gusto kong hamunin ang mambabasa na muling tingnan, na buligligin ang kanyang sarili.  Sa ganito, gaano man kadilim ang isinusulat ko,  desperasyon man ng buhay ng tauhan ang inilalalrawan ko, naghahapag pa rin ako ng pag-asa.
EVD:      Paano ‘yon?
evd:       Ganyan naman tumrabaho ang kamalayan. Walang patlang ang paglabas-masok nito sa aktuwal at potensyal, sa realidad at posibilidad.
                Halika, basahin mo ‘tong ilang talang sinulat ko.

               
                TUNGKOL SA PANTABANGAN para sa sinusulat na nobela o epiko o kung ano mang itatawag.
                Kailangang itala (ikuwento?) para hindi mawala sa gunita, mas malupit kaysa katahimikan ang pagkaligta o paglimot.

                Bago  bumaha, bago ang aktuwal na delubyo, bumaha muna ng mga balita, ng magagandang balita.  Papalubugin ang Pantabangan, dakilang sakripisyo para sa nakakarami.  Rumagasa ang tone-toneladang pataba at pestisidyo, ang sandamakmak na patalastas tungkol sa Masagana 99 at Green Revolution ng mga Marcos.

                Bago  ang delubyo, bumaha muna ng mga papuri at pabuya para sa mga taga-Pantabangan. Dakilang bayan, inialay ang sarili para sa kaunlaran.  Mga dambuhalang envelop at mapipintog na sobreng ipinamudmod sa mga lokal na opisyal.  Sangkatutak din ang dumating na nutriban para sa mga sikmura at kamalayang kumakalam.

                Bumaha rin ng mga teknokrat, ng mga inhenyero, mga arkitekto, at mga social worker na siyang nakiramdam sa temperatura ng taumbayan.  Bumaha ng mga trak at umuugong na lagare. Bumaha ng protesta kaya bumaha rin ng sundalo.  Bumaha ng kuwento tungkol sa mga tagabulag, ‘yong mga lalaking nangingisako ng mga batang inihahalo sa semento para maging matibay ang tulay o ang gusali. Sa gitna ng lahat ng ito, sabi ng isang matandang mang-aawit:

                                                Anhin ko nang saklap
                                                Anhin ko nang pait
                                                Dulot ng gobyerno
                                                Sa ati’y pasakit.

                34 na taon lamang ang nakalipas at nabaon na sa banlik ng paglimot ang lahat, nalibing na sa tubig-dam ang exodus ng isang komunidad mula sa kanilang mga ilog at bukid.

EVD:      Pero bakit ka maglulunoy sa nakalipas?  Ano pa ba ang kailangang tuklasin sa nakaraan?
evd:       Hindi ako sumusulat para tumuklas ng isang preserbadong identidad ng lahing Pantabangan o humukay ng isang ginintuang kahapon ng bayan natin. Totoong ang ginagawa ko ay paghahanap ng identidad pero hindi ito nakasandig sa archaeology.  Parang ‘yong sinasabi ni Stuart Hall, produksyon ng identidad na nakasandig sa muling-pagsasalaysay ng nakaraan.
EVD:      Muling pagsasalaysay?
evd:       Oo, hindi rekonstruksyon. May mga bida sa kasaysayang tinuturing nating totoo at sagrado, pero kung uusisain,  mandarambong pala at kaaway ng bayan.
EVD:      Halimbawa?
evd:       Paano nangyaring ang malalawak na parang at bulubundukin ngayon ng Pantabangan ay kinukubkob at inaaari na ng mga Angara at ng mga Joson?  Dahil madalas silang mag-donate ng kabaong sa pamilyang namamatayan? Dahil lagi silang  ninong ng mga nagpapakasal nating kababayan?
EVD:      Tatapatin kita, ano ba talaga ang silbi ng sinusulat mo sa mga kababayan natin?  Kaya ba ng akda mo na tipunin ang mga nagkawatak-watak na pamilya dahil sa kahirapan?  Makakapagdagdag ba ‘yan ng putahe sa dulang ng mga magsisibuyas sa Abuyo.
evd:       Tulad ng sinabi ko, pagbabakasakali ang tanging katiyakang taglay ng sinusulat ko.  Pero tiyak ang layunin kong makapagpaalala ng kahalagahan ng paglingon sa pinanggalingan.  Hihiramin ko ang sinabi ni Frantz Fanon: “Perhaps this passionate research... are kept up or at least directed by the secret hope of discovering beyond the misery of today, beyond self-contempt, resignation and abjuration, some very beautiful and splendid era whose existence rehabilitates us both in regard to ourselves and in regard to others.”  Dagdag niya: “...there is nothing to be ashamed of the past.”
                Pagdudahan mo na ang tungkol sa “beautiful and splendid era” ng Pantabangan.  Ang mas mahalaga,  sa sinusulat ko ay maipakita kong wala tayong dapat ikahiya sa ating lumipas.  

II.
                Gusto kong umuwi pero di ko magawa. Magastos.  Kabuhayan na naming mag-anak sa isang linggo ang pamasahe pauwi sa Panatabangan. Pero walang patid ang pagsalakay ng gunita ng mga karanasang gusto kong buhayin sa aking sinusulat.  Wala silang patawad, dumadalaw maging sa panaginip. Kagabi,  nagpakita si Kuyang Esing sa akin, kumakaway.  Parang alam niyang kung ilang taon ko nang pinagpaplanuhan na makakuwentuhan siya.  Napakarami niyang kuwento tungkol sa Pantabangan, bukod pa sa mga dokumentong iniingatan niya – mga papeles, litrato, iba’t ibang babasahin.

                Lalong sumidhi ang kagustuhan kong umuwi nang mabalitaan ko na isa-isa nang nalalagas ang mga tagapag-ingat ng kuwento ng Pantabangan.  Namatay na si Tang Bering, isang musiko na wala pa ako’y katuwang na ng mga pari sa simbahan.  Paano na ang mga sarili niyang komposisyon na balak kong isama sa aking pag-aaral?

                Wala na rin si Tang Anwar at si Tang Pat “Bom” Romero.  Nuno ng pagpapatawa si Tang Anwar.  Bubuka pa lamang ang bibig niya para umpisahan ang kanyang kuwento, humahalakhak na ang mga nakikinig sa kanya.  Kahit paulit-ulit ang kuwento, tatawa at tatawa pa rin ang nakikinig sa kanya.  Si Tang Pat naman ay mahusay sa pagtatalumpati, sa pag-iimbento ng kung ano-anong mga boses.  Sino kaya ang nakapag-rekord ng kanilang mga kuwento?

                Binawian na rin ng buhay si Tang Alyong.  Ang matanda na  kahuli-hulihang umalis sa Pantabangan. Dinidilaan na ng tubig ang haligi ng bahay niya, napapaligiran na siya ng tubig, ayaw pa rin niyang lumipat sa bagong bayan.  May makapagkuwento pa kaya ng lawak at lalim ng pagtutol niya sa pagtatayo ng dam?

                Maraming baul ng mga kuwento tungkol sa Pantabangan ang di na mabubuksan.
                Kaya nitong nakaraang buwan, sabi ko sa sarili ko: “Uuwi na talaga ako, magpitpitan man ng bayag.”  Buti na lamang at walang ibang nakarinig; walang pipitpit.  Habang sinusulat ko ito, tatlong araw na ang bakbakan ng mga NPA at militar sa isang sitio ng Pantabangan na nasa bawnderi ng Castañeda at Baler.  Wala nang pasok ang mga bata sa Malbang Elementary School dahil inililikas na rito ang mga taong naiipit sa gera. At santambak ang tsekpoynt ng militar sa loob at labas ng bayan kong sawi.

                “Huwag ka nang tumuloy,” payo ng kumpare kong postmaster sa Pantabangan.  Delikado raw.  Kung bakit naman  itong mga kababayan kong nasa poder, aywan kung kanino kumukuha ng balita.  Ayaw nilang maniwalang hindi ako NPA. Kaya raw di na ako umuuwi ay nasa bundok nga ako.  Sabi ko, nagtuturo ako sa UPLB.  “Kaya pala, nasa UP ka pala.”  Walang katuwiran sa ganoong mga tao.

                Mukhang matatagalan pa bago ako makauwi, sana hindi pa naman maubos ang mga tagapag-ingat ng aming mga kuwento.

                Dumagdag pang problema itong nangyayari ngayon dito sa UPLB.  Kasama ako sa binibintangang komunista at terorista at tagasuporta ng mga komunistang grupo sa kampus.  Southern Tagalog pa naman ito, batas ni Palparan ang naghahari. 

                Noong una, hindi ko pinapansin, baka nang-aasar lamang.  Aba, akalain mong hindi lamang pala sa email pinadaan ang black propaganda. Santambak palang registered mail -- sambuntong brown envelop -- ang nakalagak sa UPLB post office.  At pinadalhan halos lahat ng titser sa kampus.  Mapera.

                Tapos, minsan sa isang worksyap ng mga makatang estudyante sa kampus na ako ng facilitate, mga alas-7 ng gabi na noon, akalain mong binantayan kami ng isang mama, mga ka-edad ko siguro. Halos isang oras siyang nakatunganga, nakikinig sa amin sa harap ng main library. 

                Ituloy natin ang ikalawang bahagi ng panayam:

EVD:      Paano mo tatapusin ‘yong proyekto mo, hindi ka makauwi?
evd:       Tatapusin ko. Uuwi ako.
EVD:      Delikado nga sabi ng kumpare mo. Di ka ba natatakot?
evd:       Takot.  Pero, matatapos din naman  ang gera dun, aalis din ang mga tsekpoynt.
EVD:      Ipagpalagay na, paano ang pamasahe mo? Ang panggastos mo?  Sabagay may mga kamag-anak  ka pa naman yata dun.
evd:       Marami pa akong kamag-anak dun, may mga kapatid. Pero dadalawin ko lamang sila, ayaw kong makabigat. May bahay at lote sana ako doon, pero dahil wala naman akong trabaho dun, pinagbili ko na. Bahala na, magpapalipat-lipat na lamang siguro ako sa mga kaibigan. Tutal ilang araw lamang naman ako doon.
EVD:      Pamasahe?
evd:       Hahaha, di mo ba nabalitaan may natanggap akong grant.
EVD:      A, ‘yong sa Tanikalang Tubig, ‘yong proposal mong mga tula tungkol sa Pantabangan? (Bumulong: “Pantabangan na naman”).  Bakit magkano ba matatanggap mo?
evd:       Sixty percent daw ng annual salary, minus tax.  Puwede na.
EVD:      ‘Ba okey na ‘yan, kesa wala.  O kailan ang uwi mo? At bakit nga pala “uwi” ang termino mo, e wala ka naman nang bahay doon.
evd:       Sa dinadami-dami ng natirahan ko sa loob ng mahigit 20 taon mula noong umalis ako doon,  Pantabangan pa rin ang tahanan ko.
EVD:      Senti? hehehe.
evd:       Siguro.  Pero  doon ako lumaki, nagkaisip. Basta pakiramdam ko nakalagak doon ang  buo kong pagkatao.
EVD:      Paano ‘yan, nasa ilalim ng dam ang iyong pagkatao?
evd:       Kaya nga kailangang sisirin.
EVD:      Sana di ka malunod. Jowk!  Paano ‘yong red-baiting dito sa UPLB?
evd:       Paanong paano?
EVD:      Paano kung tirahin ka halimbawa.
evd:       Di naman siguro, mag-iingat na lamang.
EVD:      Ba’t ba sa palagay mo idinamay ka ng grupong ‘yon? Ano na nga ‘yon?
evd:       SAY-ACT, Students and Youth Against Communism and Terrorism. 
EVD:      Ano bang pinaggagagawa mo?  Di ba nga counter-revolutionary ang tingin sa iyo ng ilang tibak dito?
evd:       Ewan ko nga ba?  Nagtuturo lamang naman ako, naghahanap-buhay.
EVD:      Ano-ano bang pinagtututuro mo?
evd:       Gaya ng mga pinag-usapan natin.  Tungkol sa panitikan, tungkol sa pambubuliglig.  Minsan, pag may rali sumasama ako. Minsan, nagsasalita sa mga forum, lalo na noong si Haring David pa ang Kanselor dito. 
EVD:      Ba’t di na lang tungkol diyan ang sulatin mo?  Di  ka na aalis.
evd:       Puwede rin, kaya lang mababaw pa ang paghuhugutan ko. Di tulad kung tungkol sa Pantabangan, umaapaw, parang di matutuyuan.  Andami ko na ngang nasulat na tula.  May nakahanay na isang nobela, itong  Tuli na si Kujak . Tapos ‘yon pang grant. Andami. Ako ang hindi makaugaga.
EVD:      Kunsabagay.
evd:       Sabi ni Jun Cruz sa klase namin, “find your voice, find your territory.”  Siguro Pantabangan na ang teritoryo ko. ‘Yong boses, baka wala pa akong sarili pero pakinggan mo ‘to:
                Ang problema, sa akin nabubunton lahat ng galit nya. Bahagya syang may hindi magustuhang ginawa ko, magpapanting agad ang tainga nya.  Minsan nga kahit ala akong ginagawa.  Gaya nung minsan, bigla na laang nya kong sininghalan, putris ka, kundi dahil sa kaduwarkugan mo, tuli ka na sana ngayon, ala ka na sanang problema!  Parang gusto na kong isakmol ng mata nya sa pagtitig sa akin.
EVD:      Parang narinig ko tayo noong maliliit pa tayo!
evd:       Mismo! ‘Kala koy inirumpi na ng puntong-ibaba ‘yong mga anta, ampay, suskurugo natin.
EVD:      Hahaha, matutuwa sila Kulano, si Ating Trud pag narinig o nabasa nila  yan.  Tayka sinong nagsabi niyan?
evd:       A di sino pa, si KUJAK. Nagmumuryot siyang totoo kasi gusto siyang ipatuli ng Tatang niya ay ayaw niya, kaya binibintangan siyang duwarkog.
EVD:      ‘Yan pa laang! Talagang gagalakgak ang makakabasa niyan.
evd:       Sana nga. At sana hindi lamang sila matuwa, sana maalala rin nila ang kanilang kamusmusan, sana makakita sila ng palatandaan ng mga bagay na dapat lingunin.
EVD:      Sana nga makauwi ka, makauwi tayo. 
evd:       Sana.

                Noong isang linggo, sumulat kami kay Chancellor Velasco, humihingi kami ng institutional protection para sa mga tulad namin na hina-harass, at inilalagay sa panganib ang buhay. Wala pang sagot.  Kinakabahan  ako tuwing lalabas ako ng bahay, tuwing darating ako ng gabi galing sa klase sa UP Diliman. 

                Paano kung dukutin ako at isalbeyds. Nakakalungkot isipin, nakakalungkot kung mangyayari ‘yon.  Pero wala namang tigil ang kuwento, hindi naman ito nakakulong sa utak ko o sa utak ni Jun Cruz o sa kung kanino man.  Tulad ng walang patid na pagsalakay sa akin ng mga gunita ng Pantabangan,  hindi titigil ang kuwento sa pagbasag ng katahimikan.  Hindi ito mananahimik kahit pinatahimik na ang kuwentista, maliban na lamang kung nag-ulyanin na ang buong sambayanan, maliban na lamang kung wala nang marunong bumasa  ng mga palatandaan.
EVD:      Paano nga kung tirahin ka?  Paano ang Tanikalang Tubig, paano si Kujak?

evd:       Nabuksan na natin ang kanilang bibig, mawala man tayo, ikukuwento na nila ang sarili nilang mga kuwento.

Sa Tuktok Ng Isang Burol


Hindi ko pa ito naisusulat, alam kong tapos na ito. Nakita ko ang sarili kong binubuklat ang talaan ng kanyang mga panaginip; nakita ko ang sarili kong nakabisikleta, binabalikan ang mga lugar na pinuntahan niya sa kanyang pagtulog; nakita ko ang sarili kong tumitipa sa tiklado ng kompyuter.

At habang pinapanood ko ang sarili kong ginagawa ang lahat ng ito, nakatayo ako sa tuktok ng isang burol. Inililipad ng hangin ang aking buhok at ang laylayan ng suot kong puting long sleeve. Minamasdan ko ang sarili kong nakamasid rin sa sarili kong nagkukumahog sa pagsulat ng kanyang mga panaginip.




Antigong Bahay


Wala akong pakpak pero lumilipad ako. Nagpapasikot-sikot sa mga ulap, pumapaimbulog, bumubulusok, lumulutang na parang balahibo, nagpapasirko-sirko.

Mahigit dalawampung taon na akong nanaginip nang ganito. At pare-pareho ang aking karanasan: matatapos ang aking paglipad sa isang antigong bahay na mukhang itinayo noong panahon ng Amerikano. Hindi ko malaman kung nasa labas o nasa loob ako. Ang sigurado ko, nasa ilalim ako ng kisame, nakaharap sa kulay abong dingding na may nakaukit na disenyo ng isang halamang baging, hindi ko matiyak kung poison ivy o ano.

Sa bandang taas malapit sa tuktok ng bubong (lagi ko itong tinitingala sa tuwing mapapanaginipan ko ito) nakaangat ang aluminyum na alulod na may disenyong katulad ng nasa dingding. Kinakapitan ito ng dilaw-berdeng mga lumot.

Abandonado ang antigong bahay; ni minsan ay hindi ako nakakita ng tao o hayop doon. Wala rin akong narinig na anumang tinig o tunog.

Kung ano ang matutuklasan ko kaugnay ng antigong bahay na iyon, sa buhay-panaginip man o buhay-gising, wala akong mabanaag na kahit anong palatandaan.

Kalsadang Korteng Tagdan Ng Tirador


Lumilipad ako, una mabilis at mataas, natatanaw ko ang mga bundok at bukid. Mayamaya, babagal at bababa ang lipad ko, hanggang makita ko na ang mga bubong. Tapos bigla akong bubulusok. Halos mabunot ang aking mga buhok, halos malunod ako sa hangin. Mayamaya lumabo ang paligid. Pagliwanag, nakatayo na ako sa kalsadang korteng tagdan ng tirador, nakaharap sa sangandaaan Biglang sumakit ang dibdib ko, parang tambol na kinakabog. Nagising ako.

May kung ilang buwan ding hindi ako hiniwalayan ng panaginip na ‘yon. Huminto lamang simula noong ako at ang dalawa kong kasama ay arestuhin ng militar sa Cabanatuan City noong 1984. Pauwi na kami noon galing sa inorganisa naming anti-US military bases symposium. Si dating Vice-President Teofisto Guingona ang speaker namin noon. Andami naming dalang polyetos at mga tirang sandwich at mga juice sa tetra pack. Naglakad lamang kami para makatipid sa pamasahe. Mayamaya biglang kumabog ang dibdib ko, halos hindi ako makahinga. Umupo ako sandali. Pinagtatalunan ng mga kasama ko kung kakaliwa kami o kakanan. Hindi ko na matandaan kung ano ang naging desisyon namin, basta ang alam ko, lumiko kami at nagpatuloy sa paglakad.

Mayamaya, pinapaligiran na kami ng mga mamang bundat at nakabaril, iyong iba naka-uniporme, iyong iba nakasibilyan. Dinala kami sa headquarters ng militar at pinagbintangang maghahatid ng pagkain sa mga kasama raw naming NPA. Mahigit limang oras ang interogasyon sa amin, at may patikim pang romansang-militar. Tatlong araw ko ring pinagaling ang bukol ko sa noo na tumama sa gilid ng mesa nang sipain ako ng bantay kong namumutok sa laki ang tiyan.


Kulay Kalawang Na Landas-Paa


Tinutuklap ng sikat ng araw ang aking batok, naglalakad ako sa kulay kalawang na landas-paa sa isang tuyot na parang. Naninilaw ang mga damo, nangingitim ang bakod na kawayan sa gawing kaliwa. Malabo ang tanawin sa kanan, maliban sa mga nakatinghas na puno ng talahib. Sa gawing unahan, kinakawayan ako ng mga sinampay – lampin, pajama, kumot, at iba pang damit-pambata. Patuloy ako sa paglakad hanggang makarating ako sa tiwangwang na pinto ng isang barungbarong. Pagsilip ko, sinalubong ako ng puting liwanag. Nagising ako.

Mula 1980 hanggang 1987, paulit-ulit akong dinalaw ng panaginip na iyon. Minsan, gabi-gabi sa loob ng isang linggo. Minsan, kahit sa pag-idlip ko sa tanghali. Dumalas ito nang dumalas noong lumabas ako sa seminaryo noong 1983. Nakatanggap ako noon ng sulat kay Inang na nagsasabing hanapin ko raw si Ate sa Maynila. Mainit ang sitwasyon ng bansa noon, kamamatay ni Ninoy at kabi-kabila ang pagkilos laban sa diktadura ni Marcos. Kabi-kabila rin ang sinasalihan kong gawain at organisasyon. Dahil dito, nakaligtaan ko ang tungkol sa sulat at hindi ko pinansin ang paulit-ulit kong panaginip.

Hanggang isang araw, may paabot mula kay Inang na nasa Tondo raw si Ate. Nagkataong nasa Maynila ako noon at walang iskedyul. Pumunta agad ako sa direksyong sinabi ni Inang. Pero, wala na raw doon ang hinahanap kong babae, sabi ng aleng pinagtanungan ko. Mga tatlong buwan na raw siyang umalis at hindi nila alam kung saan lumipat.

Parang wala ako sa aking sarili noon pero naramdaman kong tiyak ang aking mga hakbang. Sumakay ako ng jip papuntang Fairview. Hindi ko namalayan ang biyahe. Pagkalampas ng Batasan, pumara ako, naglakad hanggang makarating sa isang bakanteng lote.

Kumanan ako: kulay kalawang na landas-paa, naninilaw na damo, bakod na kawayan, parang tinutuklap ang batok ko sa init ng araw. Tinunton ko ang landas-paa. Kumakampay ang mga sinampay na damit ng bata sa bandang unahan. Nagtuloy-tuloy ako. Dugtong-dugtong, dikit-dikit ang mga barung-barong, hindi malaman kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga bahay. Pagdating ko sa isang bukas na pinto, sumilip ako.

Natutulog ang isang bagong silang na sanggol, pinapaypayan ng babaeng maputla at humpak ang pisngi – si Ate.


Nangyari Na Ang Nangyayari


Minsan papunta ako sa Bataan, may babaeng tumabi sa akin sa bus. Pagka-upong pagka-upo niya, naramdaman ko agad na kilala ko siya, na nagkita na kami, na nakatabi ko na siya sa mismong upuang iyon.

Nangyari na ‘yon alam ko, hindi ko lamang maisip kaagad noon kung kailan. Pagdating sa Orani, pumara ang babae. Sinundan ko siya ng tingin at bago siya nawala sa aking mata, naalala ko kung saan kami nagkita: sa panaginip. At hindi lamang minsan, paulit-paulit. Sa parehong upuan sa kaliwang gilid ng bus at parehong panahon – papalubog ang araw.

Paulit-ulit at magkakasalikop na panaginip:

Nangyari na ito hindi ko lamang maalala kung kailan. Katabi ko rin ang babaeng katabi ko ngayon, tinititigan ko ang mga guhit na iniukit ng ngiti sa gilid ng kanyang mga mata. Tinitiketan siya ng konduktor. Ngumunguya ako ng babolgam at tumitipa ang talampakan sa ritmo ng "Nena" ni Heber Bartolome na kinakanta ng drayber. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya, singgaan ng hibla ng aking buhok na nasa labas ng bintana, palutang-lutang na sumasabay sa alon ng bus.

Nangyari na ito. Pareho kaming papunta sa Bataan – siya sa Orani at ako, sa Mariveles. Nagkuwentuhan kami, nagtawanan. Isinuot pa nga niya sa akin ‘yong Ray Ban na nakasabit sa blouse niya ngayon. Nilukot ko naman ang binabasa kong diyaryo at iniabot sa kanya.

Mga ilang minuto pagkababa niya, naalala ko kung saan kami nagkita: sa panaginip. At hindi lamang minsan, paulit-paulit. Sa parehong upuan sa kaliwang gilid ng bus at parehong panahon – papalubog ang araw.

SAMAR SOULTEASE: Dream Diary of a Senile


15 september 2006. 4 n.u.  Domestic airport, habang naghihintay ng eroplano papunta sa Tacloban.  Misyon: mag-facilitate ng theater arts workshop sa 25 kabataan sa Negros. Lugar: Guian, Samar. Sponsor: MODE. Halos lukutin ng lamig ng aircon sa terminal ang payat niyang katawan. Namumutla ang mga daliri dahil sa higpit ng kapit sa bolpen.

 I just don’t know why I am here with so many people speaking in their native tongues with ease and pride. How can I tell them that I bleed whenever I defecate. Fresh oozing  blood. Prick a balloon filled with water and you will see how I bleed. First happened in Malibcong Abra in 1991. Fact finding mission.  Bombing, straffing.  Holes as big as classroom.  Trees littered with bullet Holes, ashes and charcoals of gutted huts. Blood, plenty of blood in my feces.  Yes under guava trees near the river near the house where we stayed I dropped pieces of waste topped with blots of blood.

The flowers along the road greets me with such ferocity… why is my seat trembling is it connected to your trembling legs? She smiles at me as she sips her barako coffee, it’s written on the styro – BARAKO.  I remember figaro the chairs there I have never seated upon.  I transferred to another seat, your trembling disturbs me, who are you man? Are you God? Does God tremble? Two nuns pass in front of me, gliding to the comfort room.  The God beside me is singing ‘dito ba, dito ba ang dapat kong kalagyan’. It’s 4 am I left home 2 am. The taxi driver has just been separated from his wife whom he has not loved but with whom he bore five children. He lives now with a Cebuana he spotted at Ever Gotesco in Commonwealth. Yesterday I went to China Bank, Palanca,  Ayala to encash my check.,  Courtesy of the 56th Palanca writing contest. I won third prize in Filipino poetry category.  I also won third prize in a haiku writing contest.  I was pissed off by the way the organizers handled the program which was supposed to start at 1 pm. I arrived five minutes to one. The program started 2 pm and I got angry because they edited my entry. They changed fangs with teeth and instead of the second person point of view they changed it to third person, so detached that it lost the immediacy and intimacy between the persona and the person he is talking to. Well, that is not how the way haiku is written yawned by a god I met in jose rizal’s alma mater.  I’ll just go to the CR… Davao bound passengers get on board the sound system blurts.

As I walk to the CR I see two nuns one fat the other not so thin. They look familiar but the image is too faint to remember. It’s warm here sitting on the toilet bowl. As I write this  I hear: the plane engine whirling, the gurgling of the bowl in the other nook,  someone somewhere is blowing his nose,  and one big solid fart. Bfffft.  I swear that’s not from me. My anus doesn’t have a muffler.

I’m now sitting at the back of the two nuns. On my left are 2 abs-cbn’s crews talking too loud, actually shouting at each other. And why are they always moving? The are so many gods here.

I transferred to the next  seat,  the woman at my back is talking  in English but I hear her talking in Cebuano.

I have nothing with me only the bottle of mineral water which costs gold. The woman beside me, no four sits away from me, is absorbed in her laptop.

A, the taste of poetry once licked by the mind stays like a permanent caress of Thai hot noodles in the mouth.

where are you roaming woman
you’re not here I know
your ears are plugged
with songs from foreign land
and your mind wanders like a bird
fleeing from brutality at home


a slingshot swings
on your breast
tugging at your neck


numbed fingers
spots of rust on silver benches
like moss on walls


Parehong petsa. Eroplano. Nakapagitna, lalake sa kanan (tabi ng bintana) at babae sa kanan. Hawak pa rin ang bolpen at notebook. Pasilip-silip sa mga ulap.

My handbag is disallowed to be hand carried because it contains the cell phone charger which I can use to strangle the pilot,  the stewardess,  the passengers, myself.

I see the sea swaying
waving as it weaves
the shore with bubbles

sea shells prostrate
as the waves roar
to wash and cleanse them

how do we know how
the birds bury their broken becks?
a ghost is just a fart of the imagination made real by our constipated notion of what poetry should be

  
isang pagtakas din ang pag-uwi
sa mga gunita
pagtakas sa binabalikan

poetry

I will miss the whiteboard
and the board marker
and the faces
and the eyes
and the hands
and the voices

of my students
who always talk
among each other
while I talk about poetry.

she wakes me up
by her beautiful face
and beautiful voice

“please read the instructions…” she points to  the manual tucked at the back of  the seat  in front of me. Strands of her hair flutter backwards and her smile glints like that in a close up commercial.

she turns her back and  I gawk
at her crooked legs

 she smiles like a bud
opening its petals
before the eyes of the night

the speaker coughs continually
like throat itching, intruding
with the lulling violin of vivaldi

disturbing my intimacy with my imagination: I am embracing the stewardess or is she the one embracing me?
Intruder: I want to pluck out
the eyeballs of the woman on my left
who keeps on glancing at my notebook,

who doesn’t know whether
or not the toilet is occupied.

thick smoke
swirls off from the slits
in both walls of the plane,

fire?

 the man
on the side facing the sun
shuts his window

sighing
I beg for the sun to spear
my left ear instead.

 inunahan ako sa pila ng matabang mama na nakasuot ng leather jacket magkatabi pala kami sa eroplano, see-through ang suot kong kimono, nakasampay sa hanger kong katawan. Isinara niya ang kanyang aircon itinodo ko ang akin, pinigil ko ang pangangatog at pag-ihi sa buong biyahe.

sinalisihan ako
sa pila
pasakay ng eroplano

ng lumba-lumbang
bunguton
na balot ng katad
ang buong katawan

(halos masinag naman
ang aking tadyang
sa nipis ng suot kong
camisa chino)

katabi ko ang lumba-lumba
isinara niya ang lagusan
ng eyrkon sa kanyang tapat
itinodo ko ang nakatutok sa akin

nagsulat ako habang
pigil ang pangangatog
ng baba at tuhod
at ang katok ng ihing
gustong humulagpos
mula sa aking pantog.

tanaw ko sa bintanilya
ng eroplano
ang isla at dagat
ng guimaras

sana’y may kapangyarihan
ang aking daliri  na ikumpas
ang pagtalilis ng langis
sumagi sa isip ko
ang sariling sumisisid
sinisilip ang mga korales
at isda

carried like a baby, a shiny leather suitcase is ripped by a rusty nail protruding on the iron luggage counter. How fragile  fragile luggage is.

 ocean: magdalena’s hair wiping jesus’ feet: mountain

 the waves –
            magdalena’s hair
            caressing the feet
            of jesus –
the shore

 dagat –
alon-along buhok
ni magdalena
hinahaplos
ang mga paa
hi hesus –
pampang.

dalawin mo ako sa aking pag-iisa at muling ipadama ang init ng paglilingkod nang tapat at walang pasubali. mahabang panahon na rin ang nagdaan na hindi tayo nag-uusap

nakatinghas ang mga dahon
ng talahib itinuturo
ang diyos.


16 september 2006. 3 n.h. Loob ng van ng Van-Van, tabing bintana. Nagyoyoyo ang ulo habang pilit iminumulat ang mata. Ayaw malampasan ang San Juanico Bridge.

ilang bata kaya
ang isinilid sa sako
at isinahog sa mga bato
at semento ng San Juanico?

Parang dambuhalang ahas na nagpapalikaw-likaw, nasaan ang ulo? Ang buntot? Alin ang nasa Samar, ang nasa Leyte?  Turn it into a howling wilderness, said general otis. His troops according to him were massacred by the samareños. But no, what did the Samareños do was an uprising.  Burn everything that moves, commanded otis. But I was asleep when the van passed through Balangiga.  The passenger who promised to tell me where that historic place felt ashamed to wake me up.

nasaan ang batingaw ng balangiga?
nagdiwang kami ng sentenyal ng aming kalayaan at hindi ninyo pinigtas sa tagdan ng inyong yabang ang aming batingaw.  Wyoming, sige kalembangin mo ang batingaw upang madinig mo ang palahaw ng mga sanggol, ina, at amang pinaslang ng iyong mga sundalo.


17 September 2007. 5:45 n.u. Nakaupo sa gilid ng dagat, ilang dipa ang layo sa palengke ng Guian.  Naglakad ng pitong minuto mula sa opisina ng MODE. Binubusog ang mata sa kapayapaan ng umaga. Mabilis ang pagtagis ng talim ng ballpen sa notebook

Mga limang dipa mula sa aking kinauupuan, may bangkang papunta sa laot at isa pang ayaw umandar. Makailang beses nang binatak ng hukot na mama ang lubid na nagpapaikot ng makina bago ito umarangkada, sa tapat ko may isang lalaking nakasando may kung anong pinupulot sa tubig, hanggang dibdib niya ang dagat. Sa kanyang likuran, dugtong-dugtong ang  bahay na yari sa kawayan, nipa, kahoy, at dahon ng niyog. Natatakpan ng mga sinampay ang mga bintana. Namumutok ang braso ng isang binatilyong may bitbit na dalawang container ng tubig. Sa dulong bintana, may isang babaeng nakakalumbaba, sa tabi niya isang batang nakatanaw sa dagat.

Nakapikit, sinisilip ko sa pagitan ng aking mga pilik ang isang baklad, sa kabila nito may  islang balot pa ng halumigmig, mangasul-ngasul.

Isang dangkal mula sa aking paa, may talangkang nanginginain ng hindi ko alam kung ano. Salit-salitang sumusubo ang dalawa niyang sipit, parang boksingerong sumusuntok sa hangin. Kulay biyoleta ang kanyang mga sipit at puting-puti naman ang kanyang mga gatuldok na mata.


pinipitik-pitik at tinitipon ng mga alon
ang mga dahon, damo, mangilan-ngilang plastik,
papel at iba pang basura sa tiyan ng bangkang nakagarahe
at sa mga haligi ng mga bahay.

nagkakantiyawan ang mga matadero sa aking likuran.
nangangamoy ang sariwang laman at dugo ng baboy at baka.
ang mga mataderong ito ang tagapagbukas ng umaga
sa palengke. naririnig ko mula sa malayo
ang paos na tilaok ng manok.

sa gilid ng sementadong pampang,
nakahilerang nakatanaw sa laot ang limang bata.
nakatukod ang kamay ng isa sa lupa,
nakasandal naman sa kanya ang isa pa.
nakatayo ang isang nakahubad, nasa kaliwang paa niya
ang buong bigat ng kanyang katawan.

 
walang hanggang galaw ang dagat
buhok ni magdalena ang mga alon
hinahaplos ang mga paa ni hesus --
ang pampang na aking kinauupuan.

 umiigkas ang mga bisig ng mga samareño, habang ako, na isang estranghero sa lugar na ito ay pumipitik ang pisig sa paghabi ng tula.


17 september 2006. 6:315 n.u. Gilid ng dagat. Isang minutong lakad mula sa training hall. Nakayapak, dinadama ng talapakan ang lamig at kiliti ng buhangin.

bihag ako ng kapanatagan
ng tanawing ito:
salaming dagat na sapo
ang anino ng bundok at ulap
at ang kabughawan ng langit.

mga huni ng ibon
at tilaok ng manok
mga pitik ng alon
tinatawag ng mga tagak
ang kanilang mga anak
tulad ng pagtawag
ni inang sa akin.

pero saan ko pupulutin
ang mga nahulog na kabibe
nararamdaman ko sila
sa ilalim ng aking mga paa.

I don’t know what to do. I hear the chatting of the participants and the chirping of birds. Now the radio rolls and rages, one participant sings with agonizing anxiety. Another poem escapes. The waves waft through again. Do I need to repair the remedy of roaring cobwebs along with the blasting sound of another trivia which will save the people starving the frenzy frenetic search for naturalization process can you still live and not believe another day with a new morn to mourn for?


17 september 2006. 7 n.u. Training hall, habang humihigop ng kape at hinihintay ang kasamang facilitator.

I’m with more than 20 out of school youths. Why are they not in school.  My heart bleeds. Here is Edmon and Jericho who at first are like snails in their silence and shyness, but look at them now! Look at Edmon’s eyes, feel the fire of  his protest against Jericho’s using of dynamite to catch fish. And look at Jericho,  feel how he twitches his face and twists his muscles as if you’re watching a real fisherman casting a net.

They are doing a phantomime,  everything is so clear like an obra maestra of a realist painter. Their bodies and eyes communicate as if you’re about to witness an actual explosion. And they freeze for 30 seconds: feel the horror etched in Edmon’s face, feel the triumph in jericho’s fingers!

And look at the other participants, how they portray the corals – you can touch its roughness, the fishes, look at how they swim, touch their fins, come.  And how they explode!

and no words come yet from their mouths.


gusto nang bumagsak nang talukap ng aking mata, 2 na n.u. Ala una ng umaga na akong natulog kanina pero kailangang lumikha kami ng tunog at tinig para kami’y marinig. mananatili akong gising.


18 semptember 2006. 5:17 n.u. Gilid ng dagat habang pinatutuyo ang anim na kabibe. Ipapasalubong niya sa mga kaopisina.  Patunay na galing siya sa dagat, nagbanlaw ng mga banlik ng kaluluwa at isip.

kulay ginto ang mga dahon ng bakawan
sa tama ng sinag ng araw; kumikintab
ang mga alon habang gumagapang palayo
ang halumigmig; nagsasayaw sa gitna ng dagat
ang anino ng bundok at ang unti-unting
nangangasul na langit.

patuloy ang pagsiyap ng mga pipit at iba pang mga ibon piiiit
piiiiiiit
kikikukiyaaaaaaaaaw
kikikukiyaaaaaaaaaw
keeeeeeeeeeek
keeeeeeeeeeeek

sa malayo, tik tilaaaaaaa oooooooook.

gumagaralgal ang tinig ng bangkang de-motor. balot na balot ang katawan ng dalawang lalaking nakasakay.

sumasayaw
ang mga anino
ng mga tulos
na kawayang
pinaglalambitinan
ng mga talaba
at tahong
parang isdang
palikaw-likaw
sa kumpas
ng mga alon


tambak ng lambat
mga palawit na tingga
kabibe koral
mga baklad
dinamita
baruto
isda
pigtas na tsinelas
butas-butas na dahon ng banaba
sumisigok ng poso
kuko

 it is the stillness of the sea in the morning that makes me tremble with rage because I know that just a breath away from the frozen surface of the sea an explosion just awaits, it is in the udder of the motorized banca, it is in the eyes of the fishermen while they cast their nets, it is in their fingers,  it is in the stomachs of their children gnawed by hunger and fear.

nothing really happens but explosions everywhere, in various intensity in various forms. Everything explodes, my heart is exploding as my eyes send it with the images of broken nets, crushed corals, swimming plastics, children with copper skins and lifeless eyes.


19 september 2006. 4 n.u. Nakasakay sa tricycle, binubuo sa isip ang  katahimikan at hamog ng umagang binabasag ng atungal ng tambutso.  Nakayakap ang tingin pinanggalingang pinaliliguan ng madilim na usok mula sa tambutso ng sinasakyan. Nangingilid ang luha, windang dibdib.

five minutes have passed
since the tricycle that fetched me
left the place where I slept
and I was still craning
my neck back to the sea
to the dorm where dante
and erwin still sleep
to the seesion hall
where you children of samar
let your voices roll
where you unrolled your hearts
twisted your arms
and legs

how should I feel now
that I’m again with my
childhood poverty is here to stay
but these youth you who are deprived
of voices are now becoming
the voice of the voiceless

I won’t wake you up
We’ve just parted and started
Summoning our snores

for 3 days released
our sweat and sorrow and joy
as we shook our bodies
thundered the world
with our voices
we danced danced danced
but  yes I didn’t dance
as much as you did

my mind and memory fenced with Abon, head of MODE in Samar, the grand old man whom I once sat with, planning the future of this country.

plans which didn’t make any impact
in your lives, I don’t know
but maybe it made a dent on the lives and beliefs of our comrades and of ourselves. Maybe this failure has pricked our consciences, our souls, our beings.

Why then should we surrender our faith to our fate? Nothing can anymore defeat the once broken spirit that has now healed and become whole again.

I looked back, beads of tear peeped through my eyes as I caressed the sea, your smiles, your laughter, your silence that  was ever pregnant with words and tears. But I had no time to know you all,  I can memorize your names but will soon forget them.  But the soul once teased will remember everything, through this dreams diary of a madman.