Maaga kaming lumakad ni Tatang. Pagkalabas namin ng baryo, di ko pa maaninag ang bakas ng kareta pero alam ko may nauna na sa amin. Amoy na amoy kasi ang mga nasagasaang ambabangot
Gusto ko sana sa likod ni Damulag sumakay, mainit ang likod ni Tatang at saka maraming matatanaw, kaya laang kailangan daw may pabigat sa kareta. Itinalukbong ko na laang sa buo kong katawan ang pangginaw ni Inang. Inapakan ko ang laylayan para alang makapasok na lamig
May kaunti nang liwanag sa tuktok ng bundok Susong Dalaga pagdating namin sa mag-asawang Duhat. Paglingon ko sa amin, parang kulumpon na laang ng mga santan ni Inang ang buong baryo. Malapit sa hinintuan namin, may nakaparadang kren at dalawang buldoser. Ala pang mga drayber. Maghapon na naman silang maghahakot ng bato at buhangin papunta sa bagong bayan.
Sa bandang taas, sa gulod malapit sa may ilog, natanaw ko si Batog, para talaga syang higante, hanggang tainga laang nya si Mang Imon. Bat kaya andon sya? Mangangantyaw na naman siguro. Mabuti na laang nagpaiwan si Kuyang, kung hindi, may kakampi pa sana si Batog ngayon.
Nagkakape pa laang kami ni Tatang sa bahay kinakabahan na ko. Nang matanaw ko si Mang Imon, lalo nang kumabog ang dibdib ko. Tapos andito pa yang butakal na Batog na yan.
“Tingnan-tingnan mo si Damulag ha, kukuha laang ako ng kawayan,” utos ni Tatang. Itinali nya sa Duhat si Damulag. Nanginain agad yung kalabaw, berdeng-berde ang mga damo. Sana maipastol ko na rin siya nang ako laang mag-isa, pero ayaw pa ni Tatang.
Sinabi ko kagabi kay Tatang na sa isang taon na ako magpatule kaya laang nagalit sya. Parang kulog yung boses nya. Tinanong nya kung bat ayaw ko pang magpatule. Syempre di ko pwedeng sabihin na takot ako, yun ang pinaka-ayaw nya marinig. Wala raw duwag sa mga Uraga. Dapat daw matapang ako, kuha pa naman daw kay Lolo pangalan ko. Si Lolo Serbando raw, libu-libo ang napatay na Hapon kahit tirador laang ang gamit.
Wala talaga akong maisip na dahilan kung bat ayaw ko pa magpatule. Basta nasabi ko na laang na di pa kasi sakat[2]. Tiningnan nya, kunwari pinipilit kong iburat pero di naman. Pinipigil ko talaga para maliit na gatgat[3] laang ang lumitaw. Tinampal ni Tatang yung kamay ko, tapos sya ang nangiburat.
“Matulog ka na, maaga tayo bukas.”
Halos nabingi ako sa utos nya. Wala na kong nagawa. Pinagdasal ko na laang na sana magkasakit ako nang matagal. Pinagdasal ko rin na sana mahulog si Tatang sa kalabaw. Masakit na masakit ang loob ko sa kanya nun. Di ko laang pinahalata, antagal kong umiyak, nakaharap ako sa dingding. Bago ako nakatulog, narinig ko pa usapan nila ni Inang. Tinanong ni Inang kung bat nag-aapura si Tatang na ipatule ako, bat di na laang daw sa susunod na bakasyon. Kakampi ko talaga si Inang.
“Anong gusto mo, ika-ika sya habang naglilipat tayo? Paano siya makakapagbuhat?.” Anlakas talaga ng boses ni Tatang, kahit bulong dinig na dinig sa buong bahay.
“Bat kasi hindi sa bagong bayan sya magpatule,” sabi ni Inang.
“Alang ilog dun, parang di mo alam. Tuktok ng bundok yung lintek na lugar na yon. Saan sila lalangoy dun? Hinayupak na dam yan.” Di na kumibo si Inang. Tuloy pa rin si Tatang. Sa isang taon, lulubog na raw yung buong bayan pati baryo namin. Kaya talagang kailangan daw matule na ko.
“Andong!” tumatakbo si Mar papunta sa amin. Sa gulat ko, muntik ko nang mabitawan yung tatlong istik ng Champion na iniaabot sa akin ni Tatang.
“Ibigay mo agad kay Mang Imon, baka magkandaputol pa yan.” Biglang wumasiwas yung kamay ni Tatang, binatukal nya ng bato yung buldoser. Anlakas ng kalangkang, parang yung kaldero na nahulog ni Inang nung nagbabag sila ni Tatang. Mayamaya nawala na sya sa kasukalan.
Hingal-kalabaw si Mar. “Andyan si Batog, bat ba andyan yan?”
Sumipa sya, natalsikan ako ng lupa sa paa. “Di ba matagal nang tule yan, aasarin laang tayo nyan, halika sabihin natin kay Mang Imon paalisin sya.”
Inilapag ko sa kareta yung pangginaw ni Inang. Para tuloy lalo akong naduwag. Sana talaga di ko na laang sinabi kay Tatang yung ginawa sa akin ni Batog. Tutal gridtri pa laang naman ako.
Kasisimula pa laang ng pasukan nun. Anyabang ni Batog, gusto ko syang patayin nun, kaya laang anlaki nya. Akalain mo, hinubuan nya ako sa maraming tao saka inihiyaw nya supot daw ako. Pumutok tuloy yung plastik balun na hinihipan ko. May talimat pa naman ako nun, namamaga yung mata ko, tapos andaming muta. Sabi ni Batog, siguro supot din daw si Tatang. Nangingilid na yung luha ko sa galit nun. Minumura ko sya sa isip ko. Buti dumating si Mar kasunod si Mang Imon.
Hinamon sya ni Mar ng iskwer. Sabi ni Mar sa kanya, tulong kami, dalawa laban sa isa. “Ano kasa ka?”. Tanong ni Mar nun kay Batog. Parang makikipagboksing si Mar, nakasuot yung mga pundakol[4] nya sa pagitan ng kanyang hintuturo at hinlalato. May pasayaw-sayaw pa sya. Pero di natuloy yung bakbakan dahil inawat kami ni Mang Imon.
May bitbit na timba at walis-tingting si Mang Imon nun. Sa loob-loob ko, sana hampasin nya si Batog. Patalikod na naglakad si Batog. Ansama ng tingin sa akin. Tiningnan ko siya nang masakit. Tapos sinabi ko BA-TU-GAN, alang boses pero nilakihan ko ang buka ng bibig ko.
Inakbayan kami ni Mang Imon. “Ano sakat na ba? Tingnan ko nga.” Nilabas agad ni Mar yung kanya, sakat na sakat na.
“Mang Imon, yung akin po, mayron pang nakadikit,” sabi ko.
“Baka di mo nilalagyan ng buhangin,” sabad ni Mar.
“Sasakat din yan,” sabi ni Mang Imon.
Syam na kaming nakapalibot kay Mang Imon, puwera si Batog. Nasa tuktok kami ng gulod. Nanginginain pa rin si Damulag sa kabila. Sa ibaba namin, ilog Balubad, lampas-kawayan. Dati hanggang leeg laang ni Tatang, pero nung hinukay ng kren, lumalim. Anlinis ng tubig, sarap dumayb. Dito kami lumalangoy ni Kuyang pag nangangahoy kami.
“Bat kaya andito yan?” Inginuso ko si Batog kay Mar. Napansin ko may tigdalawang sigarilyo na nakaipit sa magkabilang tainga ni Batog. Nakatalikod sya sa amin. Naisip ko, ano kayang tinitingnan nya sa bundok Susong Dalaga?
“O sige habang nagkakape ako, kuha kayo ng dahon ng bayabas, yung sariwa ha.” nagsindi ng sigarilyo si Mang Imon. “Sandali, isilid nyo muna rito yung mga sigarilyong dala nyo.” Inilapag nya sa ibabaw ng bato yung garapon.
“Pareng Kulas, kape muna tayo,” kinawayan nya si Tatang. Nag-aayos si Tatang ng mga pinutol na kawayan.
Magkasama kami ni Mar na nanalbos ng bayabas. Mayamaya lumapit sa amin si Bernal.
“Mga migo, di pa pala tule si Batog.” Amigo ang tawag nya sa amin, yun din ang tawag ng tatay nya kay Tatang.
“Pano nangyari yon? Nung minsan pinakita nya sa atin tule na sya,” sabi ko.
Payuko-yuko si Mar, parang may sinisilip.
“Binuburat laang daw nya,” nanlalaki ang mata ni Bernal.
“Talaga?” sagot ni Mar, payuko-yuko pa rin.
“Naisahan tayo ni Batugan a,” sabi ko. Yung pangalan ni Batog, galing sa salitang batugan. Himatlugin yon, laging tulog, kahit saan masandal tulog. Lalo na pag nakakain.
Sabi ko sa sarili ko, di pala totoong nagpapatangkad ang pagpapatule. Kala ko pa naman kaya dambuhala si Batog dahil tule na sya.
“Baka naman andito laang yang himatlugin na yan para mang-asar. Nagkukunwari laang syang supot pa.” Ayaw pa ring maniwala ni Mar.
Ako rin di makapaniwala. Sinabi ko kay Bernal na pag nagtitinda kami nina Batog ng pandesal, bago matulog nagsasalsal muna kami at pinapakita nya sa amin yung tamod nya, basa yung mga daliri nya. Minsan nga pinunas pa nya sa pisngi ko.
“Laway laang daw nya yun.” Halos di ko maintindihan si Bernal, may nakasumpal kasing talbos sa kanyang bibig. “Bahala kayo kung ayaw nyong maniwala,” nakalambitin sya sa puno. “Basta pinakita nya sa akin kanina, ang haba nga e.”
“Bilisan nyo diyan, tatanghaliin na tayo,” sigaw ni Mang Imon. Napatingin ako sa ulap, parang kaliskis ng buwaya, kulay ube at hinog na tyesa. Parang kahapon din nung mangahoy kami ni Manong.
“Andong, dali ka,” pabulong na tawag sa akin ni Mar.
“Ano yon, tawag na tayo ni Mang Imon a.”
Tinitimtim[5] ng hintuturo ni Mar yung sapot ng gagamba, mula sa sanga ng bayabas papunta sa ambabangot. Sinundan nya yung bagting pababa hanggang sa tuyong dahon na nakalukot.
“Uy Mar, may uldog[6], saka ang hahaba ng pata,” sabi ko. Halos mag-untugan kami sa pagsilip sa gagamba. Nakadapa, balbon. “Sa wakas, may uldogan na rin ako. Laban tayo mamaya ha?” ngisngis ni Mar.
“Andong, kayo na laang ang iniintay a.” Si Tatang, parang kalugkog ng bato sa dram ang boses. Nakikihigop sya ng kape kay Mang Imon.
“Andiyan na po, umiihi lang po,” sagot ko.
“Patay, di ko nadala yung bahay ng mga gagamba ko.” Kakapa-kapa sa bulsa si Mar.
“Hawakan mo na lang muna,” sabi ko. Di ko rin dinala yung sa akin, puno na kasi.
“O hubo’t bubad na,” utos ni Mang Imon. “Tapos dayb agad, dapat mabilis ha!”
“Pano tong gagamba ko?” bulong ni Mar.
“Ilapag mo muna dito sa gilid ng bato.” Kinutkot ko nang bahagya yung lupa at nilagyan ng isa pang gasuntok na bato. Ingat na ingat na inilapag ni Mar yung gagamba nya, katabi ng mga talbos ng bayabas. “Huwag ka gigising ha?” bulong nya sa gagamba.
Magkahawak kaming dumayb. Parang ayskendi sa lamig ang tubig. Pag lutang ko nakita ko si Batog, nakatalungko, pinapanuod kami. Parang ampalaya ang uten nya, supot nga! Natuwa ako.
“Pila, pila na!” sigaw ni Mang Imon.
Nangangaligkig ako sa ginaw pag-ahon ko. Nakahilera na sila, sumingit ako sa pagitan ni Batog at ni Mar. Tukop ni Batog yung uten nya. Andun pa rin sa tainga yung mga sigarilyo. Parang lumakas ang loob ko. Gusto ko sana unahan sya saka kantyawan pero andun kasi yung tatay at nanay nya, kausap si Tatang. Kung nasa unahan sana nya ako, pagkatule ko, tatawa ako. Ipapakita ko sa kanya na di ako nasaktan. Kay Tatang din, ipapakita ko na di ako duwag.
Sa likod ko, nakatalungko si Mar. Hinihipan-hipan yung gagamba nya para di magising.
“Bago ipatong ang uten sa banukan[7], ngumuya muna ng talbos ha,” utos ni Mang Imon. Ibinaon nya sa lupa yung banukan. Inuga-uga, tinimtim kung matibay na. Bagong gawa daw yon sabi ni Tatang, magulang na sanga ng bayabas, di raw mangingipit ng uten.
Kumikintab yung lagareng bakal na hawak ni Mang Imon. Mukhang matalim na matalim. Tinatagis nya sa de-singkong pako na gamit nyang pamukpok. Napanganga ako sa ngilo, parang nilagare yung ipin ko. Parang kanina rin nung kumakayod yung kareta sa batuhan, ansakit sa tainga at sa ipin.
“Sakat ka na talaga?” tanong ko kay Mar.
“Oo no.” Ibinurat nya. Sakat na talaga. “Ikaw ba?” “Oo naman, nilalagyan ko kasi lagi ng buhangin, ambilis pala magpasakat non.”
“Baka may ima[8] ka pa ha?” ngisi ni Mar.
“Ala a, ginidgid ko ng ng bimpo kagabi. Tapos nung pulakin yung kamatsile kila Berting di talaga ako kumain kahit isang butil no.”
“O, bat parang nanginginig ka ata,” pang-aasar ni Mar. “Gayahin mo ko, parang ala laang.” May mga durog na nginuyang talbos ng bayabas sa labi nya.
“Mas masakit pa ang kagat ng langgam!”
Si Kaloy, pinakabata sa amin, gridtu pa laang. Humarap sya sa amin, umindayog ang mga kamay nya, sabay talon paikot. Tapos una ulong bumagsak sa tubig. Parang sibat na tinusok sa lupa, tuwid na tuwid.
Sigawan at palakpakan kami. Si Batog, tahimik laang, nakahalukipkip. Nagkukwentuhan naman sila tatay nya at si Tatang sa ilalim ng puno ng Duhat. Si Aling Miling, nananalbos yata, di ko alam kung ano.
“Sana di mangamatis yung sa atin” sabi ko kay Mar.
“Basta wag na wag mo ipasilip sa babae,” parang pinapalaki ni Mar yung boses nya. Naisip ko, siguro dahil sa nginunguya nyang talbos.
Naalala ko nung bagong tule si Kuyang. Mahabang bakasyon din nun. Minsan, nasa batalan sya naglalanggas ng uten. Sabi ko kay Ating, may ipapakita ako sa kanyang importante. Nagliligpit sya nun ng pinag-almusalan namin. Nung nasa pinto na kami ng batalan, bigla kong binatak yung tabing na sako. Muntik nang mabuwal si Kuyang. Binatukan ako ni Ating, kinurot pa. Magdamag pa nya akong sinermonan. Kinabukasan, tinawag ako ni Kuyang, namamaga yung uten nya, anlaki talaga, gasuntok. Di ako makatawa kasi naaawa ako sa kanya, pero gusto ko na talagang tumawa nun.
Kinwento ko kay Inang at kay Tatang. Tawa sila. Kaso pinarusahan ako. Ako ang pinagkayas ng bao ng niyog. Bumasag si Tatang ng bote, tapos gamitin ko raw pangkayas yung matatalim na bubog. Tapos gumawa sya ng duyan ng uten ni Kuyang. Pinunit nya yung luma kong tisirt. Gumawa sya ng bigkis, itinali nya sa baywang ni Kuyang. Dun sa bigkis, tinali nya yung duyan. Kailangan daw yon para nakapirmis yung uten.. At saka pag matutulog, di raw mababagok sa hita yung ulo pag pumipihit si Kuyang.
Ako ang nagbubudbod ng pulbos ng bao sa uten ni Kuyang. Habang binubudburan ko, ginagalaw-galaw nya yung duyan para bumiling yung uten, tapos hinihipan nya. Ambilis gumaling. Pagkatapos ng dalawang araw, ga-bola na laang ng jak-iston. Mabilis na syang lumakad, at di na nya sinusuot yung saya ni Ating. Nakakasama na sya sa ilog. Pag nasa ilog na, masayang-masaya sila ni kuya Karbon, pinsan namin na kasabay nya nagpatule. Ang una nilang ginagawa, humanap ng lapad na bato. Ipapatong nila yung uten nila dun, tapos napapaihi sila. Masarap daw, mainit yung bato. Patago ko ring ginagawa yun, pero di naman ako nasarapan, mainit laang, saka napapaihi ako.
Ang pinakamalaki kong kasalanan kay Kuyang ay nung pagaling na yung uten nya. Halos hilom na ang sugat. Naalala ko nun, binilinan ni Tatang si Kuyang na wag makikinig ng radyo pag tanghali. Di ko alam kung bakit. Tanghali nun, nasa balkon si Kuyang, ala si Inang at si Tatang nasa bukid ata. Si Ating, nasa ilog, naglalaba. Binuksan ko yung radyo, andon ako sa loob ng bahay, dinikit ko sa dingding yung radyo, tinapat ko sa malalaking siwang ng sawali para mapakinggan ni Kuyang. May mga dumadaing at umuungol sa radyo, tapos may nag-uusap na lalaki at babae. Mayamaya bigla na laang umatungal si Kuyang, lumabas agad ako, tanggal na yung syurtpan nya, nakatayo ang uten, dumudugo. Pinalo ako ni Tatang kinagabihan, latay ang hita ko. Ansakit, pero di ako umiyak.
Bago matulog, pagkatapos akong sermonan ni Tatang, lumapit ako kay Inang. Tinanong ko kung tinutule din ang babae. Ngumiti si Inang, sabi nya hindi. Pero nireregla daw sila. Tinanong ko kung masakit magregla. Minsan daw, pero madalas naman hindi. Sabi ko nun sa sarili ko sana naging babae na laang ako. Di magpapatule, di mangangamatis ang uten, palagi pang pwedeng makinig ng radyo.
PLIK, PLIK, PLIK. “Ayos, parang kurot laang!” Tumatallsik ang laway ni Ramon, may sapal ng talbos ng bayabas. Nagdudugo yung uten nya. Iniluwa nya yung sapal ng talbos saka tinapal sa sugat, sabay upo sa malaking bato katabi ni Kaloy.
Si Berting na laang at si Batog na. Tahimik pa rin si Batog. Hari sya sa iskul namin. Gridtri pa laang kami pero kahit mga gridsiks di sya tinatalo. Mas malaki pa kasi sya sa karamihan sa kanila. Sya rin lagi ang pinagbubuhat ng mabibigat. Sya ang pinapakuha ng mga libro sa laybrari, sya rin ang katulong ni Mang Imon sa pagtatapon ng basura. Yung basurahan, halos di namin makarga ni Mar. Sa paggagarden, sikat sya lalo na sa mga babae. Sya kasi ang nag-aasarol ng mga plat nila. Pag mag-iis-is ng des, mag-isa laang nyang pinapasan palabas at papasok yung mga des ng mga babae. Kami ni Mar, bitbitan, halos mabali pa baywang namin. Pero kami naman ang taga-akyat ng Pakiling[9]. Pabilisan kami saka paramihan ng mapipitas na dahon, yung nakukuha namin, pwedeng pang-is-is sa buong iskul.
Nakatalungko pa rin si Mar. Tahimik na sya. Hawak pa rin yung gagamba pero parang di na nya pansin.
“Nagiginaw ka?” tanong ko. Nakaakap sya sa mga tuhod nya, medyo nanginginig yung hawak nyang talbos ng bayabas at yung dahon ng ambabangot na tinutulugan nung gagamba.
“Medyo.” Halos di bumuka ang bibig nya.
“Di hindi ka na dadayb ulit pagkatule mo?” tanong ko.
“Syempre dadayb, di naman masyadong maginaw a.” Umiikot ang tingin nya, kung saan-saan, parang tumatalbog na bola ng jak-iston.
“Sabay tayo lagi magsalsal pag magaling na tule natin ha?”.
Di na sya kumibo, tiningnan laang niya ako nang masakit.
Kahit maliit, si Mar ang pinakamatapang sa amin. Maski kay Batog di sya takot. Nung minsang inutusan ako ni Batog na pulutin yung natabig kong mga binhi ng mais nya, sumigaw si Mar na huwag kong pulutin. Pero kay Batog sya nakatingin. Di ko pinulot, pumunta ako sa likod ni Mar. Nilapitan sya ni Batog, di sya tuminag. Tumayo laang sya, nakatingala kay Batog, naka-ikom yung kamay at bibig nya.
Kahit sa multo di sya takot. Pag Byernes at Sabado, gabi na syang umuuwi galing sa amin, nakikinig kami ng Balagtasan at Gabi ng Lagim sa radyo. Ala kasi silang radyo. Pag uuwi na sya, dadaan pa sya sa kawayanan at sa may Balete, dun sa bahay ng kapre. Pasipol-sipol laang sya. Di sya kinakabahan, sabi nya sa akin. Kahit sa ahas, di sya takot. Nung minsan nga, may nakitang ahas-tulog sa kisame ng klasrum namin, nagtakbuhan lahat pati si Mr. Gabino, sya hindi. Kinuha nya yung walis saka tumuntong sya sa des, tapos sinungkit nya yung ahas. Pagbagsak, di makausad yung ahas, nadudulas sa samento. Pinakintab kasi naming maigi. Pinalo nya ng walis, tatlong beses, durog ang ulo. Sabi nya kaya nga raw nyang dakmain yun.
PLIK! Parang bunga ng ampalaya yung muka ni Danilo. Nakangiwi sya, gustong umiyak. Si Mang Imon ang naglagay ng sapal ng bayabas sa uten nya. Tapos iniupo sya katabi nila Kaloy. Si Batog na, ako na susunod.
“Ka Pidel, halika nga sandali!” tawag ni Mang Imon.
Mabilis na bumaba si Mang Pidel, tatay ni Batog. Parang lumilindol. Kumakalog ang buong katawan ni Batog. Kandahaba yung leeg ni aling Miling sa pagsilip sa kanya. Si Mar naman, nakatalungko, nanginginig. Nagsikip ang lalamunan ko. Halos di ko malunok laway ko.
“Andong,” tinawag ako ni Mang Imon. “Halika nga’t umalalay ka.” Nalaglag yung mga sigarilyo sa tainga ni Batog, anlakas ang nginig nya. Nung lalapit na ko, tumayo si Mar, hinawakan nya ako sa kamay tapos bumulong – “ihi laang ako, hawakan mo muna si uldog.” Pagkakuha ko sa gagamba, parang palos na kumiwal si Mar, andun na agad sya sa kulumpon ng mga ambabangot, malapit sa may buldoser.
“Bilisan mo nga diyan Andong,” apura ni Mang Imon. Iihi raw, naisip ko. E, kanina pa kami ihi nang ihi habang nagkukwentuhan. Sinundan ko ng tingin si Mar, nakasupok sya sa kulumpon ng ambabangot. Inilapag ko yung mga talbos ng bayabas at yung ambabangot. Nagtanggal ako ng tsinelas, tapos sinuot ko sa magkabilang kamay ko, hanggang siko.
“Sige Andong banatin mo yung lambi.” Hinawakan ko yung uten ni Batog. Singliit na laang ng salagubang, dati parang talong pag pinapakita nya sa amin. Galit pa rin ako kay Batog. Binanat ko, nangisama ako ng bulbol. Napangiwi sya, yung aray nya parang piyok ng manok. Medyo humaba yung uten nya.
“Iburat mo,” utos ni Mang Imon., “tapos ipasok mo yung banukan.” Sisigok-sigok si Batog. Pigil ni Mang Pidel ang mga balikat ni Batog.
“Batog, mas masakit pa ang kagat ng langgam dito ha. Uy pareng Pidel, andaming uwak a, saan kaya punta ng mga yan, at may mga puti pa!”
Tumingala si Mang Pidel. Napatingala rin ako. Napatingala rin si Batog.
PLIK!
Labas ang lamad ng uten ni Batog, puting puti. Naagusan ng dugo yung kamay ko. Parang unga ng kalabaw ang atungal ni Batog, pero di sya makakilos, anlakas ni Mang Pidel.
PLIK! PLIK! PLIK!
Di ko na nabilang kung ilang pukpok. Kinabog ang dibdib ko, parang di ako makahinga. Umaatungal pa rin si Batog. Tiningnan ko si Mar, nakasupok pa rin, ulo laang ang nakikita. Si Tatang, nakatanaw sa akin. Sumulyap ako sa ilog, malayo-layo rin ang kabilang pampang. Abutan kaya ako ni Tatang? Bahala na. Pinulot ko uli yung mga talbos. Nanginginig ang kamay ko. Buti na laang at di nagigising yung gagamba ni Mar.
Sumubo ako ng isang talbos, ampakla. Ngumuya ako nang ngumuya. Sumubo ulit ako, ngumuya. Biglang nag-iba yung lasa, malinamnam, saka naging makatas. May tumurok-turok sa ngalangala ko saka sa lalamunan. Nagtatawanan na sila Kaloy. Natutulig ako sa atungal ni Batog.
“O ayos na,” ngiti ni Mang Imon. Nakaupo pa rin si Batog, nangangatog. Hinawakan sya ni mang Pidel sa kilikili, tapos tinayo sya. Biglang syang tumakbo papunta kay aling Miling, Naisip ko, siguradong mangangamatis yung uten nya.
Nanginginig ang mga tuhod ko. Tumingin ako kay Tatang. Papalapit sya sa amin, nagpapaypay ng sombrero. Parang nahihilo ako.
“Andong, ikaw na.” Naramdaman ko na laang na nakaupo na ako sa pinag-upuan ni Batog kanina. Maliwanag na, nawala na yung mga ulap na parang kaliskis. Parang may naririnig na akong mga naglalaba sa kabila ng ilog.
Idiniin ko yung kanan kong paa malapit sa paa ni Mang Imon. Parating na si Tatang. Bigla akong sumikad patalikod, padayb sa ilog. Matagal akong sumisid, nung maramdaman kong nasa mababaw na ko, tayo agad ako. Sumisigaw si Tatang, galit na galit. Di ko naintindihan kung anong sinasabi nya. Kumaripas na ko papunta sa pampang.
Nagsyurkat ako malapit sa pinagtataguan ni Mar, umikot ako sa kabila nung buldoser. Di ko ininda ang tusok ng mga bato at kalmot ng talahib. Biglang lumabas si Mar, sumunod sa akin.
“Andong, intay!” Di ko sya pinansin, tuloy laang ako sa pagkaripas.
“Andong, yung gagamba ko! Yung uldogan ko!” Nakasunod pa rin si Mar.
Mayamaya makinis na yung daan, tanaw ko na ang mga santan ni Inang.
PLIK! PLIK! PLIK!
Di ko na nabilang kung ilang pukpok. Kinabog ang dibdib ko, parang di ako makahinga. Umaatungal pa rin si Batog. Tiningnan ko si Mar, nakasupok pa rin, ulo laang ang nakikita. Si Tatang, nakatanaw sa akin. Sumulyap ako sa ilog, malayo-layo rin ang kabilang pampang. Abutan kaya ako ni Tatang? Bahala na. Pinulot ko uli yung mga talbos. Nanginginig ang kamay ko. Buti na laang at di nagigising yung gagamba ni Mar.
Sumubo ako ng isang talbos, ampakla. Ngumuya ako nang ngumuya. Sumubo ulit ako, ngumuya. Biglang nag-iba yung lasa, malinamnam, saka naging makatas. May tumurok-turok sa ngalangala ko saka sa lalamunan. Nagtatawanan na sila Kaloy. Natutulig ako sa atungal ni Batog.
“O ayos na,” ngiti ni Mang Imon. Nakaupo pa rin si Batog, nangangatog. Hinawakan sya ni mang Pidel sa kilikili, tapos tinayo sya. Biglang syang tumakbo papunta kay aling Miling, Naisip ko, siguradong mangangamatis yung uten nya.
Nanginginig ang mga tuhod ko. Tumingin ako kay Tatang. Papalapit sya sa amin, nagpapaypay ng sombrero. Parang nahihilo ako.
“Andong, ikaw na.” Naramdaman ko na laang na nakaupo na ako sa pinag-upuan ni Batog kanina. Maliwanag na, nawala na yung mga ulap na parang kaliskis. Parang may naririnig na akong mga naglalaba sa kabila ng ilog.
Idiniin ko yung kanan kong paa malapit sa paa ni Mang Imon. Parating na si Tatang. Bigla akong sumikad patalikod, padayb sa ilog. Matagal akong sumisid, nung maramdaman kong nasa mababaw na ko, tayo agad ako. Sumisigaw si Tatang, galit na galit. Di ko naintindihan kung anong sinasabi nya. Kumaripas na ko papunta sa pampang.
Nagsyurkat ako malapit sa pinagtataguan ni Mar, umikot ako sa kabila nung buldoser. Di ko ininda ang tusok ng mga bato at kalmot ng talahib. Biglang lumabas si Mar, sumunod sa akin.
“Andong, intay!” Di ko sya pinansin, tuloy laang ako sa pagkaripas.
“Andong, yung gagamba ko! Yung uldogan ko!” Nakasunod pa rin si Mar.
Mayamaya makinis na yung daan, tanaw ko na ang mga santan ni Inang.
----------------
[1] ambabangot –ligaw na halamang ginagamit panggamot o pamapalakas ng gagamba
[2] sakat – labas na ang buong ulo ng uten kapag ibinurat
[3] gatgat – ulo o “helmet” ng uten
[4] pundakol – hinlalake
[5] tinitimtim – tinatantya kung matibay o marupok
[6] uldog – spot sa likod ng gagamba
[7] banukan – korteng “L” na sanga ng kahoy, kadalasan bayabas. Ibinabaon sa lupa ang isang dulo at sa kabilang dulo naman binibiyak o hinihiwa ang lambi ng uten.
[8] ima – kupal
[9] Pakiling – puno na may magagaspang na dahon ginagamit sa pag-iisis
[1] ambabangot –ligaw na halamang ginagamit panggamot o pamapalakas ng gagamba
[2] sakat – labas na ang buong ulo ng uten kapag ibinurat
[3] gatgat – ulo o “helmet” ng uten
[4] pundakol – hinlalake
[5] tinitimtim – tinatantya kung matibay o marupok
[6] uldog – spot sa likod ng gagamba
[7] banukan – korteng “L” na sanga ng kahoy, kadalasan bayabas. Ibinabaon sa lupa ang isang dulo at sa kabilang dulo naman binibiyak o hinihiwa ang lambi ng uten.
[8] ima – kupal
[9] Pakiling – puno na may magagaspang na dahon ginagamit sa pag-iisis